Saturday, August 22, 2015

Chapter 6

Sorcerer’s Princess-chapter 6
Katarina Reyes P.O.V.

 Tuesday, 5PM. Hindi ko parin nilalabas si Lance. Bukod sa naiinis ako sa kanya, nahihiya rin ako. Ewan ko ba, ang lakas ba naman kasi ng loob ko na magtago dito sa mismong pamamahay nya.

Hindi ko nga alam kung buhay pa ba yun si Lance, kanina pa sya nakaabang sa pinto. Kanina pa sya walang kain, hindi naman kasi kami nakakain nung tinakbuhan ko sya. Nakikiramdam lang ako at nag-aantay na muli syang magsalita kaso, wala eh.

“Lance....?” nga pala, hindi na gwapo ang itatawag ko sa kanya. Simula ngayon, tatawagin ko na sya sa tunay nyang pangalan. Si Lance Crimson.

“Yes! My Princess?” halatang antok ang tono ng boses nya. Mag 8Pm na nga ng gabi hanggang ngayon hindi parin nya ako sinusukuan?

“Lance... kanina ka pa ba dyan?” nakakakonsensya naman, ano na kaya ang itsura nya ngayon? Pumangit kaya sya, o gwapo parin?

“Yes! My Princess.I was still waiting for you.” Gusto ko na syang labasin, alam kong gutom na sya. Gusto ko na syang patulugin kaso humaharang ang Pride ko.

“Bakit hindi ka pa dyan naalis?” gusto kong malaman kahit sabihin nyang ng dahil sakin kaya sya nag-aantay.

“Nang dahil sa’yo....” mabilis akong tumayo at nilapit ko ang tenga ko sa pinto para mapakinggan ko ng ayos yung sasabihin nya.Pahina kasi ng pahina ang boses nya eh.
“.... kaya ako.. nagkakaganito.” Teka! ng dahil sa’kin?

“Bakit ako, bakit ng dahil sakin inaantay mo ako?” hhmm... Lance...

“Gusto mong malaaman kung bakit Prinsesa?” bigla kong naramdaman na parang tumayo sya, hindi naman sya umalis. Parang sumandal lang rin sa sya sa pinto, bigla kasing gumalaw yung doorknob.

“hhmm... sige.” Kapwa kami tumahimik, walang nagsalita. Naging tahimik lang lahat. Lance... bakit ng dahil sakin?

“Lance...?” sasabihin ba nya sakin? Hindi na sya sumagot, kaya napagdesisyunan ko ng buksan ang pinto.

“LANCE? Lance... anong nangyari sa’yo? Oy gumising ka dyan. Oy Lance.” Putek! Putlang putla na sya ngayon. Para syang pumapak ng suka sa sobrang putla ng labi nya.

“Lance, bakit ang lamig-lamig mo? Bakit ba.... hindi ko alam gagawin ko.” Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para magdial ng ambulansya. Kaso, bigla naman nyang pinigilan ang braso ko. Hindi na maganda ang lagay nya, hindi ko pa alam kung ano bang dapat kong gawin.

“Lance, bakit? Anong gagawin ko sa’yo, ano bang nararamdaman mo?” tuluyan na akong naiyak. Ayoko ng maulit to, parang naulit lang yung araw ng inatake si mama Tess sa puso. Wala akong magawa nung panahon na yun kaya tanging Hospital lang ang alam kong pagdadalhan sa kanya.
“H’wag kang...” pinilit nyang umupo saka sya umubo.
“H’wag kang mataranta, normal lang to sakin.” anak ng...

“Ito? Normal lang sa’yo? Ano ka ba naman Lance, dito sa mundo namin hindi na normal ang ganyang kalagayan.Malala na yan.” Nginitian nya lang ako ng nakakaloko.

“Nalimutan mo na bang hindi ako Mortal Mahal na Prinsesa? Kahit na, basta hindi maganda yung pakiramdam nya.

“Ano bang gagawin ko....?” napafacepalm nalang ako sa kaba. Parang masmaaga akong machuchugi ng dahil sa kanya eh.

“Pumunta ka sa Master Bedroom. Sa kulay red na box, may makikita ka dun. Red na bilog, gamut ko yun bilisan mo.” Agad akong tumayo at hinanap ang kwarto nya.

Napatingin ako sa buong bahay. Halos, manlumo ako ng mapansin kong napakaraming kwarto. Lahat pula ang pinto, lahat pagpasok mo pula ang loob.
Hayyss, hindi na to bahay, mansion na to!

“Ito na ata!” nasabi ko nalang sa sarili ko habang pagod na pagod kakaakyat panaog sa sa hagdan.

“Your late My Higness” ay palakang kokak!!
“Lance? Paanong....” napatingin ako sa itsura nya. Mukha na syang normal, hinawakan ko pa ang noo at leeg nya pati braso. Hindi na rin malamig!

“Nagteleport ka? Kamusta na pakiramdam mo?”

“Yes! I’m fine.” Napaubo nanaman sya. Okey na ba talaga to?

“Sure ka ba, mukha kasing hindi pa eh!” sa bandang gilid may binuksan syang pulang box. Ito na siguro yung sinasabi nyang lalagyan ng gamot nya.

“Anong tawag dyan?” sa loob nun, may kulay violet na bilog. Teka!

“Oh! Akala ko ba pula ang laman nyan?” hindi nya ako sinagot at nagtuloy-tuloy lang sya sa paglalakad. Pumasok sya sa isang maliit na kwarto kasama ang red box, c.r. siguro yun.


+++++++
Lance Crimson Side

I was so damn to myself. Na out of balance ako sa paggamit ko ng magical wand ko kanina kaya imbis na ilapag ko ang Prinsesa ng maayos. Tsk! Naibagsak ko pa sya, kaya ayun. Umiyak, saka ko sya hinabol.

I don’t even know what she feels after I hurt her. Still waiting for her answer if shes fine. It’s so... uggh! Naiinis talaga ako.

Hindi pa naman din sya kumain ng umagahan at tanghalian.Gustong gusto ko na nga syang pasukin sa loob para pagdalhan ng makakain pero, hindi ko magawa. Alam ko na lalo lang syang magagalit sakin.

That’s why I decided to get off. Pupunta nalang ako ng mall para bumili ng pwede nyang mapagpipilian.Peace offering lang ba.

+++++++
Katarina Reyes P.O.V.

5 minutes ko na syang inaantay lumabas pero wala paring Lance ang nagpapakita sa’kin.Kaya naglibot-libot muna ako sa loob ng kwarto nya. Sobrang laki nito at purong pula ang kulay ng mga gamit.Napansin ko rin na wala syang salamin kahit isa, bakit kaya? Paano sya nakakalabas pasok sa worldstone kung wala syang salamin na ginagamit? Napapaisip tuloy ako.


Feeling ko ang haggard ko na, ang gulo ng buhok ko at pawisan pa tong mukha ko. Okey, ako na pangit! Sakto namang naalala ko na may cellphone ako sa bulsa ko, minsan kasi kapag ayaw akong pahiramin ni Jeah ng salamin nya ‘tong screen ng phone ko ang ginagamit ko.

“Hmm... hhmmm... hhmm... lalala lalala.” naghuhumming po ako nyan ng mapansin ko sa reflection ng screen na may lalaking lumabas sa c.r. imbis na si Lance. Pero, pagharap ko si Lance naman. Namamalikmata lang kaya ako?

Iba na ang aura nya ngayon, kaysa sa kaninang pagpasok ko dito. Para syang binabalutan ng itim na aura, ewan ko ba! Pati ata ako nahahawa na sa kaweirduhan nya eh!

Pero... hindi ko matiis kaya sya namismo ang tinanong ko. Malay mo, nakita na pala nya yun.

“hmm.. Lance....?”

“Yes, My Higness?” paiba-iba tawag sa’kin nito. Ang dami ko na masyadong pangalan ah.

“May nakita ka bang lumabas na lalaki sa c.r? Nakaviolet na matangkad tapos may pagkamasungit ang itsura nya, parang ikaw.... ngayon?” bigla syang napatingin ng masama sa akin. Ano bang nangyayari dito bakit biglang nagbago nanaman? Kanina ang bait bait, tapos kinukulit ako, tapos biglang nanlamig ang buo nyang katawan, tapos ngayon sinusungitan nanaman ako? Ibang klase din itong si Lance eh

Pero iba yung tingin nya sakin, nagtitigan lang kami ng ilang minuto. Si Lance, brown ang mata. Bakit ngayon ang itim na? Si Lance, pagtumingin sa akin yung tingin lang na inis yun bang iritadong mukha. Pero itong Lance na kaharap ko ngayon, yung tingin nya sa akin parang galit na may halong puot.

Kaya bigla akong nabahala at nagtaka! May kakaiba ngayon kay Lance. Para maputol na tong pagtititigan namin sinadya kong tabigin yung baso na nasa gilid ng red box para makakuha ng atensyon nya.
Habang dinadampot nya yun agad kong binuksan ang camera ng phone ko.
Mabilis kumabog ang dibdib ko sa natuklasan ko ngayon. Ibang iba ang kaharap ko sa nakuha kong litrato kaya bigla akong napaatras na ikinagulat naman nya.

Kusang umilaw ang bracelet ko na nasa wrist ko ngayon, ano nanaman to? Bakit umiilaw nanaman tong braso ko at nagsisimula na syang dumikit sa balat ko.

“You’re the only Princess of Diamania. Hindi nga ako nagkamali.” biglang may lumitaw na salamin sa harap nya.Itininapat nya ‘yon sa kanyang sarili at kusa nalang lumabas ang tunay nyang itsura. Ang lalaking nakuhanan ko ng litrato sa phone ko, parehong pareho ang itsura ng lalaking kaharap ko ngayon. Saglit lang syang may kinausap sa salamin at alam kong babae ang sumagot.

“Sino ka?” nilalapitan nanaman ako ng delubyo. Manginig-nginig akong naglalakad paatras. Nasaan ka ba Lance? Nasaan na ang totoong Lance Crimson?
Kailangan ko ng tulong mo, lumabas ka na.

Zeus...bigla kong naalala si Zeus. Alam kong naririnig nya ang sinasabi ng utak ko. Pero bakit hanggang ngayon wala paring Zeus na nalitaw?

“Hhmm.. tama nga ang alagad ko.” Nag evil laugh sya. Sabay tingin sa akin.

“Wala ka pa pala talagang kaalam-alam My Highness.” Napakunot ako ng noo, hindi ko pa naman talaga alam lahat eh, ang tanging alam ko lang sa ngayon na isa akong Prinsesa sa worldstone. Yun lang!

“Why you shouldn’t try to ask your friend?” kaibigan ko? Si Lance o si Jeah? sila lang naman ang kilala kong Friend ko. Impossible naman na si Daisy yun.
“B...bakit ba.. hindi mo nalang ako sagutin. Sino ka ba ha?” dahil sa lakas ng liwanag sa wrist ko, hindi ko na maaninag ang buong katawan nya. Kahit ako silaw na silaw sa sarili kong kagagawan. Pero sya parang walang nangyayari sa kanya, ni hindi manlang sya nasisilaw.

“Ako si Liliam Heliotrope, ang bangungot nyong lahat.” walang syang tigil sa pagtawa.Nakakatakot, pangdemonyo ang tawa nya. Masakit sa tenga kapag narinig mo.

++++++
Lance Crimson  side.
 Halos lahat ng paninda sa mall nilibot ko na makabili lang ng pwedeng makain ng Prinsesa. Isang puno ng cart ang binili ko kaya kinailangan ko ng sasakyan. Hindi ko rin naman magamit ang teleport ko, baka may makakita sa akin.

Sana lang talaga mawala na ang inis sa akin ng Prinsesa. Bakit kasi nagpakacheezy nanaman ako eh.

Sa hindi kalayuan mula sa mansion ko ng mapansin kong nagliliwanag ng malakas ang buong kong kwarto. Lumalabas yun dahil sa bintanang nakabukas.

“Fck! Ang Prinsesa!” so, wala na akong magawa kaya napilitan nalang akong magteleport. Napakalakas ng liwanag na halos hindi na ako makakita. Senyales ito na nasa panganib ang Prinsesa. Bakit kasi iniwan ko pa sya eh. Tsk naman oh!


++++++
Katarina Reyes P.O.V.

*BOOOGGSSHH!*

“My Princess!!”

Napatingin kaming dalawa ng biglang kumalabog ang pintong pula. Niluwa nito ang humahangos sa paghinga na si Lance. Ang totoong Lance dumating na. Thank you Zeus, alam ko ng dahil sayo kaya nya nalaman ang sitwasyon ko ngayon.

Nagtitigan silang dalawa, pareho silang masama ang titigan sa isa’t isa. Mayroon nga akong hindi nalalaman. May kung ano sigurong nakaraan itong dalawang to.
Tuloy parin sa pagliwanag ang wrist ko at lumakas pa ito ng lumakas ng dumating si Lance. Kakaiba talaga ang lahat, nadadagdagan nanaman ang mga tanong ko.

“Lance Crimson.” Pareho silang humakbang papalapit sa akin habang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. “It’s been a year noong huli kitang makalaban.” Aba! May gana pa atang magreminisce tong dalawang to ah.

“Oo alam ko. Tanggap mo na bang talo ka?” ngumisi bigla si Liliam. Para akong tangang nanunuod ng Fantasy na walang naiintindihan sa palabas. Ano to? Magkekwentuhan pa ba sila sa nakaraan nila bago ako maligtas dito?

“Tanggap ko na Lance. Kaya ngayon, ihanda mo na ang sarili mo.Ihanda mo na ang sarili mo na tanggapin na ikaw naman ang talo.” Sa seryosohan nilang pag-uusap. Mabilis na inilabas ni Liliam ang isang payatot na stick. Tulad ng kay Lance, magical wand din ito pero kulay itim. Ganun din si Lance at inilabas nya ang kanyang magical wand. Sabay silang parehong may binigkas na pang alien lang ang nakakaalam.

“Cirtreme Spectrias.” Liliam.
“Armorandum defensus.” Lance.

“PRINCESS KATARINA!!”


Chapter 5

Sorcerer’s Princess-chapter 5
Katarina Reyes P.O.V.

Lance... Lance Crimson pala pangalan nya.

Naabutan ko si gwapo sa kwarto ko na pinipilit subukang buksan ang big hole. Nakakapagtaka nga eh, ang sabi nya mga wizards lang ang pwedeng gumamit ng secret hole. Wizard naman sya ah, nakapagpahinga na rin sya, bakit hindi parin nya mabuksan-buksan yung lagusan na yun.

“Pwede bang itigil mo na muna yan? H’wag mo ng piliting buksan kung ayaw naman. Oh ito, kumain ka muna baka nagugutom ka na.” inabutan ko sya ng binili kong tinapay sa bakery kanina. Ayaw pang tangapin pero kukunin naman pala.  

“Kamusta?” medyo nahiya pa syang magtanong.
“Anong kamusta ka dyan, dapat ikaw ang kinakamusta ko dyan, ikaw tong mukhang hindi okey eh.”

“I was trying to make a hole again and again in a whole day...” napabuntong hininga nalang sya.
“Hanggang ngayon hindi ko parin magawa.” Halata naman sa mukha nya, halatang depress. Malala pa sa taong problematic, pero walang pinagbago, gwapo parin naman.
“Akala ko ba pahinga lang ang kailangan nyo ng stick mo, bakit hindi parin effective?” mas naging malungkot pa ang mukha nya ng tanungin ko nanaman sya tungkol dun. Feel ko may kakaiba talaga.

“Totoo kasi nyan.... mababaw pa ang rank ko sa ranking ng mga wizard.” Ahhh kaya pala.
“Which means...?” bigla nya akong binatukan. “Aray ko ah, ano ba yun?” pssh! Brutal talaga sya kahit kailan.
“Ang slow mo, kailangan ko pa bang iexplain lahat sayo? Kailangan pa bang detalyadong detalyado?” tumango nalang ako ng dalawang beses sabay lapat ng dalawa kong kamay.

“Psssh... meaning wala pa akong kakayahang gumamit ng iba’t ibang sorcery. Hindi ko pa kaya yung mga mahihirap na magical powers. Ayan! Naintindihan mo na?” natawa naman ako sa sagot nya. Kaya pala hindi nya mabuksan yung lagusan kagabi pa. Pwede naman nyang sabihin na lower sorcerer pa sya eh, hindi yung kung anu-ano pang dinadahilan. Psshh!

Nahagip ng mata ko yung sun glasses ko, saka ako napaisip.

“HALA!!! Diba sabi mo sa kahit anong salamin pwede nyong gamitin? Bakit kaya hindi natin subukan sa ibang salamin, bibili ako at yun yung gagamitin natin.”
Yung sad face nyang mukha nagglow bigla. Sabin na eh, kahit pala minsan gumagana din tong utak ko. Hindi pa kami nagpatumpik-tumpik ni gwapo at agad kaming umalis. Sawakas, nakaranas din akong magteleport. Ang saya nga, sabi nya mag-isip lang daw ako ng lugar na pupuntahan namin, so... yung mall ang nasa isip ko then, viola!! wala pang ilang minute nasa mall na kami. Wala naman nakakita kaya okey lang.
+++++
Mall

“Kailangan ba malaki yung salamin, kailangan ba maganda, kailangan ba yung ganito, kailangan ba....” napahinto ako sa pagdadaldal ng titigan nya ako ng masama.
“Pwede ba...? kahit ngayon lang itikom mo yang bibig mo.” Pinakita nya sakin yung payatot nyang stick, tinatakot ba nya ako? Pwes hindi ako nasisindak sa kanya.


“Hmmm. Hhmm hhmm.hhmmmm!!!!!” putek! Para akong tangang pipe dito sa mall. Hindi sya naghesitate na gamitan ako ng magic wand nya, ginawa pa akong pipe. Langya din tong gwapo na to eh. Hindi ko tuloy masabi na ihing ihi na ako, anytime pwedeng pumutok tong pantog ko. Geezz!! Tatahimik na ako promise.

Kinalabit ko sya. “What?” sumagot pero hindi naman ako tinignan. Kalabit ulit.
“What?” at sawakas tinignan na nya ang nagmamakaawa kong mukha.

“Hmm..hhmm..hhmmmmmm.” gusto kong sabihin na ilang oras na kaming panay ang lakad dito sa mall. Nagugutom na ako, napapagod na ako, naiihi na ako, inaantok na ako at... at....

“Princess!!!!” nag-inarte na akong hinimatay. Bwahahaha. Kaya mo akong gamitan ng magical wand mo pero, ang isip ko hindi mo kayang basahin.

“Princess, Princess!!.” Panay lang ang tawag nya sa pangalan ko na mahahalata mong nag-aalala. Binuhat pala nya ako at dinala sa pinaka malapit na clinic dito sa loob ng mall. Narinig ko pang nag-uusap sila ng doctor.

“She’s fine. Antayin nalang natin syang magising.” Psssh! Natatawa ako, talagang mukhang nakokonsensya sya sa ginawa nya sakin. Pero, hindi ko parin alam kung tinanggal na ba nya yung spell, hindi ako makapagsalita.
+++++
Lance Crimson

Princess, Princess, Princes. Tch! I can’t understand whats happening when scarlot told me that she saw a lost Princess. Excited of course, sawakas nakita na sya.
Ayoko pa ngang maniwala umpisa dahil imposible naman talagang maging isa syang Prinsesa, napaka-immature nya at may pagkaisip bata pa. Madaldal, nakakairita at ang sarap gamitan ng magical wand ko, yun nga lang ay bawal. Pero dahil sa wala pa naman syang alam at WALANG NAKAKAALAM, bukod sa mga Elemental ni Princess Emerald na alam na ginagamitan ko si Princess ng spell. Pangpatahimik lang naman yun.

“She’s Fine. Antayin nalang natin syang magising.” Psh! Napakagat nalang ako sa lowerlips ko. Imbis na mapaaga uwi namin nito hindi, mukhang may balak pa tong dito nalang matulog. Mag tatatlong oras na akong nag-aantay na magising ang Prinsesa, inaantok na ako at nagugutom narin. Kung nandito lang si Scarlot pakakainin ko to ng kernels tulad ng ginawa nila sakin, para makaganti narin.

“Armlet.” Napatingin ako sa braso nya ng mapansin ko ang Armlet. Isa ‘to sa mga pinaniwalaan ko kung bakit sya nga ang Prinsesa, nasa kanya nga ang Armlet ni Queen Althea. This is a sign para matunton namin kung saan man sya naruruon.

Napakatagal na panahon narin ng sinumulan naming mga tigaworldstone ang paghahanap sa lost Princess. Nahirapan kaming hanapin ang Prinsesa nitong mga dumaan na taon at dahil nga ‘yon sa Armlet ni Queen Althea. Ayon sa propesiya, ang nawawalang Prinsesa ay maari naming makita pagdating nito sa ikalabing walong taon. Dahil mismo sa edad na ito lamang gagana ang Armlet ni Queen Althea na pagmamay-ari na ngayon ng nag-iisa nilang anak na si Prinsesa Katarina Diamania.
Maaring akala ng Prinsesa na isa lang tong simpleng bracelet, buti nalang at hindi nya naiisipang itapon.
Pero, hindi ibig sabihin na  nasa kanya ang Armlet ni Queen Althea ay sya na ang nawawalang Prinsesa. Malalaman mo lang ito sa pamamagitan nya mismo, sya lang ang may kakahayang makagamit ng Armlet. Kusa na lamang itong dumidikit sa balat ng tunay na Prinsesa, na kung tawagin ng mga Mortal ay Tattoo.

Napaniwala na rin ako ng biglang umilaw ang Armlet, sinyales yun na may paparating na kalaban. Hindi nga ako nagkamali at binasag ng mga smokeron ang salamin.
Isa silang itim na kaluluwa, ang tanging sadya lang nila sa mundo ng mga Mortal ay ang Prinsesa. Sila ang tagasundo, maaari nilang madala ang Prinsesa sa pamamagitan ng paghigop ng kalukuwa nito. Hindi man nila mabitbit kasama ang katawan ng Prinsesa ,basta ang kaluluwa maidala nila sa kanilang pinaglilingkuran.

“Princess... don’t stay away from me again. I’m willing to be your servant Princess.” Binuhat ko nalang sya at kailangan ng iuwi. Hospital isn’t good for you. You just sleep, we’re going to my house.
+++++
Katarina Reyes P.O.V.

“Urrghh! Ang sakit naman nyan sa mata....” tch! Ang sakit ng katawan ko...
*pikit. Mulat*
Teka! Nasaan ba ako kagabi? (nag-isip) ahhh.. nasa mall pala kami.
*Pikit. Mulat.*
Teka! Kailan pa ako nagkaroon ng bintanang malaki? Kailan ko pa ulit binuksan mga bintana ko? At... at... kalian pa naging pula tong kwarto ko?
“KKKYYYAAAAA..... KIDNAPPER!!! PAKAWALAN NYO PO AKOOO....”

*Booggssh* (bumukas ang pinto, isinuka nito ang napakagwapong si Lance)

“Gwapo?” teka ulit! Bakit nandito sya, sya ba ang nagpakidnap sakin? Kung OO taksil sya. TAKSIL!!!!

“Princess. Huminahon ka lang.” ako hihinahon? Baka kaya nya ako pinapahinahon para walang makaalam na kinidnap nya ako. Gagawin ko lahat makatakas lang ako dito. Lord... please...

desine Principem.” Sa kakasigaw ko biglang nawala boses ko. Ginamitan nanaman ako ng magical wand ni gwapo, ay hindi na gwapo! Kidnapper na!!
 
“aacckk.. aackk hhmm.. ahckckkk.” Takte! Ang hirap talagang magsalita lalo na pagwala kang boses. Pilit kong inaction sa kanya na wala akong boses, sya naman tong panay ang hawak sakin at piglas ako ng piglas. 
 
“Princess! Listen to me first.” Hinawakan nya bigla pisngi ko. 
“Hindi kita kinidnap, nandito ka sa bahay ko.” Sa bahay nya? Napatigil ako sa pagpipiglas ng mapansin ko ang suot nya. 
 
Hindi naman magsusuot ng apron pang luto ang kidnapper diba? Hindi rin naman mukhang abandonado tong lugar nya. Maganda nga eh. !!! So... hindi nga ako nakidnap? Nandito ako sa bahay nya?
 
Gush!!! Nakakahiya! Sa hiya ko napafacepalm nalang ako sabay takip ng kumot sa mukha ko. Tsk! Ako pa may ganang magwala dito sa malaki nyang bahay. 
 
“Anong ginagawa mo?” dahek! Hindi ba halatang gusto ko ng magpabaon sa lupa para mawala na ang hiya ko?
 
“Ehh... kasi.... nakakahiya eh.” Akala ko lang naman eh! Akala ko, may kumidnap sakin, kasi naaalala ko nasa mall ako kagabi at kasama ko sya. Kaya naisip ko tuloy baka sya yung lord ng sindikato. 
 
 
“H’wag ka ng mahiya Prinsesa.” ‘tong kamay ko na nakafacepalm sa mukha ko, tinanggal nya at hinawakan. 
 
*dugdug. Dugdug* 
 
Anong ginagawa nya? 
 
“You’re safe on me My Princess.” Hala! 
 
“Ano bang ginagawa mo?” pinakita nya sakin yung hawak nyang kutsara at yung mga harina na nasa kamay nya. 
 
“Nagluluto ka?” binigyan nya lang ako ng isang    tango. 
“Nang ano...?” sa isang click lang nya ng mga daliri nya biglang lumitaw ang isang libro, recipe sya ng mga cake at kung anu-anong mga panghimagas. 
 
“Nag-aaral kang magluto?” tumango nanaman sya sakin. 
 
“Kumain ka na ?” umiling naman sya ngayon.
“May sakit ka ba?” napakunot sya bigla. Sabi na eh, parang may kakaiba sa kanya ngayon.  Hinawakan ko noo nya para malaman ko kung nilalagnat ba sya oh ano.
 
“May sakit ka ba?” 
 
“Wala!” hayss. Sawakas nagsalita din. 
 
“Bakit ba laging napakadami mong tanong? Tara, bumaba na tayo. Magbreakfast ka na.” 
 
Bago sya umalis, napatingin naman ako sa kapwa kamay naming magkahawak kaya agad ko yun tinanggal. 
 
God! Anong sumapi kay gwapo, bakit bumait sya ngayon? At.. at.. bakit parang ang sweet nya?
 

Paglabas ko ng kwarto, nakakaamaze tong bahay nya. Sobrang laki at mas marami ang pula na designs. “Hmm.. mahilig ka sa pula?”

“Yeah! Tara, let’s eat.” Mas nagulantang ako sa kusina nya ngayon. Huwawow talaga! Parang Fiesta grabe! Ikaw na gwapo ang hari ng mayayaman.
“May Fiesta ba?” syempre, hindi ko pinapahalatang gustong gusto ko ng sunggaban tong mga hinain nya. Medyo, pachusy muna ako.
“Hmm.. nakakahiya naman. Masyadong marami yan ah. Tapos tayong dalawa lang ang kakain?” napatigil sya sa pagnguya saka ako tinignan ng nakakalokong tingin.

“Anong akala mo... dalawa lang tayo?” hhmmm...
“Oo obvious ba?” nakita ko syang napasmirk at nakakatakot na smirk yun.
“Marami tayo Prinsesa. Alam ko naman na magtataka ka kung bakit maramihan ang hinanda ko. Kaya, nag-anyaya narin ako ng ibang mga elemento na galing dito sa mundo nyo.” Napanganga ako bigla. Tatakbo na ba ako... magtatago na ba ako? Pero hindi na ako makagalaw, para akong binuhasan ng malamig na tubig.

“ahh... ano..anong s..sabi mo...?” lintek ka gwapo!!! Panira ka ng umaga ko.

“Ahahahahahaha..... ahahahhahah.. You look so... hahahha... Funny Princess...”

“KKKYYYAAAAA.....” nagtatakbo ako sa salas nya ng biglang nagliparan yung mga baso at namatay ang ilaw. Kung may sakit ako sa puso, inatake na ako at kasalanan nya yun.

“Hahaha. Princess, I’m just kidding. You know... para kang haha aaaawww. Urgh!” bastos ka ha! Pssh, ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot. Ikaw ba naman takutin ng ganun, ewan ko lang kung hindi ka mapatakbo sa takot.

“Dapat lang sayo ‘yan, gusto mo putulin ko pa yang payatot mong stick?” napailing-iling nalang sya sakin sa sakit ng pagbato ko sa kanya ng pigurine nya. Buti nalang nakita ko yung stick nya na umiilaw, meaning ginagamit nya yun saka ko nalaman na tinatakot lang pala nya ako.

“Ikaw nalang kumain nyan, nawalan na ako ng gana!” sa inis ko, tumakbo nalang ako pabalik ng kwarto na ginamit ko kanina pero, bigla nalang ako napahinto.

“Teka! Teka!! Anong ginagawa mo sakin gwapo?” naramdaman ko nalang na lumipad ang katawan ko pabalik sa kanya, at magkalapit kami ngayon ng ilang inches lang. “Sinong gwapo, Prinsesa?” ugh..ahmm ahhh, nabanggit ko bang gwapo sya? Alam ko, iniisip ko lang yun.

“Ahh.. may sinabi ba ako?” seryoso kong sagot ng walang kurap-kurap.
“Oo, may sinabi ka mahal kong Prinsesa!” biglang nawala bigla yung pagkabingi ko ng marinig ko yung sinabi nya.
“Anong sabi mo? Mahal kong Prinsesa?” imbis na sagutin ako, mas inilapit pa nya sakin ang mukha nya, halos 2 inches nalang magdidikit na ilong namin.
“Oo, mahal KONG Prinsesa!” inempasize pa ang KONG nya, alam ko naman mahal nya ako dahil ako ang Prinsesa nila.
“Tumigil ka nga Lance. Pababain mo na ako, nahihilo ako eh. Ang taas oh!” sabay itinuro ko ang sahig, ang taas-taas ko nga. Kahit sya mismo nakalutang narin para pantayan ang mukha ko ngayon. Anong bang ginagawa nitong kabaliwan?
“Uso ba ang baliw sa inyo?” maiba kong tanong. Ang awkward kasi eh.
“Baliw? Ito ba yun?” itinuro nya lang ang dibdib nya gamit ang payatot nyang stick. Ano yun?
“Ito ba yun? Baliw na baliw na sayo?” naku! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa kanya o wala lang eh! Hindi naman kasi nakakakilig, lalo na kapag inis ka sa kanya.

“Pwede ba Lance? Ibaba mo na ako?” saka ko sya tinulak habang nasa ere kaming dalawa.
“Your wish is my command.”

“AAAAHHHHHHHHH..... Urgh!! Ang sakit....” ang sakit ng pwet ko! Ihulog ba naman ako mula sa ere?
 “Ang sabi ko, ibaba mo ako hindi ihulog!” naiinis na talaga ako sa kanya. Naiirita na ako, hindi na ako natutuwa. Ang hilig nya akong asarin, takutin at saktan. Hindi sa puso, kundi sa physical na.

Naiiyak na ako, hindi ko na kaya.

Nitong mga nakaraang araw, pinipilit ko nalang tanggapin ang katotohanan na hindi ako normal na tao. Na hindi ako kabilang sa mga Mortal, isa akong Immortal. Kailangan kong tanggapin na magugulo na ang nananahimik kong buhay, na may matutuklasan pa akong ibang mga rebelasyon na kahit mismo sa sarili ko hindi ko alam. Na kahit mismo ang totoong katauhan ng mga magulang ko, hindi ko rin alam. Marami akong tanong na hanggang ngayon hindi parin nila nasasagot sakin.

Si Mama Tessie, kung isa akong hindi normal na tao, ano naman sya? Normal kaya sya? Kung normal si mama, ibig sabihin hindi nya ako tunay na anak? Kung hindi nya ako anak? Bakit hindi nya sinabi sakin?

“AAHHHHH!!!! Naiinis na ako, mababaliw na ata ako nito!”

Hindi na ako makatulog matapos kong takbuhan kanina si Lance. Naiyak na ako ng tuluyan kanina kaya hinabol nya ako hangang dito sa kwarto. Panay lang ang hingi nya ng sorry sakin pero hindi ko pinapansin.

“Princess. Let me talk to you. Ugh! I’m so sorry My Princess.” At bukod sa pagsosorry nya, bigla akong naweirduhan sa ginagawa nya ngayon sakin. Kahit dalawang araw palang kaming nagkakasama, parang nasanay na agad ako sa ugali nyang masungit at dinededma lang ako.

Pero, ngayon? Para syang lalaking may gusto sa isang tao na pinipilit pasagutin, at ako yun.


Chapter 1

Sorcerer's Princess
written by: Wisherdreamer25

Tuesday, August 18, 2015

Magical Mirror of Jeah Salvador

Sorcerer's Princess
Written by: Wisherdreamer25

Book cover

Sorcerer's Princess
Written by: Wisherdreamer25

Cover Photo




Sorcerer's Princess
Written by: Wisherdreamer25

Album 5

Sorcerer's Princess
Written by: Wisherdreamer25

Album 4

Sorcerer's Princess
Written by: Wisherdreamer25

Album 3

Sorcerer's Princess
Written by: Wisherdreamer25

Album 2

Sorcerer's Princess
written by: Wisherdreamer25

Chapter 4

Sorcerer’s Princess-chapter 4
Katarina Reyes POV

He was trying to figure out of how to make a hole again. Sabi nya, nagkataon lang daw na mabuksan nya ang lagusan. Si Zeus lang daw talaga ang may kakayanang makabukas ng secret hole, karaniwan daw kasi sa mga tigaworldstone na pumupunta dito sa mundo ng mga Mortal gumagamit sila ng salamin. Kahit saan pwede silang maglabas pasok basta salamin ang gamit. Pero, yung gagawa ka ng sarili mong lagusan which is yung secret hole nga daw, hinding hindi nila yun nagagawa. Maliban nalang daw kung isa kang Wizard.

“Pero diba Wizard ka naman?” I asked him habang nililinis nya ang payatot nyang stick.

“Yeah. I’m a Sorcerer.” Napaisip ako bigla. Ang sorcerer ba at Wizard iisa lang?

“Oh. Ganun naman pala eh. Bakit hindi mo mabuksan buksan?” mukhang nadismaya bigla si gwapo sa tanong ko. Bakit, anong meron?

“ahmp.. ahh...ano kasi eh... I’m so tired. Hindi gumana ng ayos tong wand ko pagpagod ako.” Turo nya kay payatot na stick at napalunok naman sya bigla. Ganun ba yun? Konektado pala yung ano daw nya.. ano yun, yung wand daw? Oo wand nga, konektado pala sila sa isat-isa.

“Okey. Sabi mo eh. Paano ka nyan uuwi?” oo nga pala, Saan sya titira nyan kung hindi sya makauwi sa kanila? H’wag nyang sabihin na----
“Dito ako titira.” HUWAT? dito sya titira sa bahay ko? Pero sabagay, bukas naman siguro okey na sya , nakapag pahinga na sya kaya makakaalis na sya dito sakin.

“Okey fine. But wait. Doon ka tutulog sa kabilang kwarto ah. H’wag dito.” Aba! Hindi ko alam baka mamaya may binabalak pala sya. Tsk tsk.

“Pfft.. don’t you worry Princess. Hindi ako magtyatyaga dito sa bulok mong bahay. I have my own.” HA? As in big HA? May sarili syang bahay dito sa mundo namin?

“Ouch naman makabulok wagas? Pero, hindi nga... may bahay ka dito sa Mortal world?” nginisian nya lang ako at naglakad palabas ng kwarto.

“Oy Oy. Saan ka pupunta?”

“Magteteleport. Sasama ka?” bagot nyang tanong, pero mukhang gusto ko ngang sumama sa kanya. Oo na nga sige, sasama na ako.

“In your dreams.” Aba nga naman! Hindi pa ako nakakapagsalita inunahan nanaman ako? Akala ko pa naman isasama nya talaga ako eh. Gusto ko pa naman makaexperience magteleport. Hmm..

“Fine.” Mabilis ko nalang isinarado ang pinto ko para hindi ko na makita ang gwapo nyang mukha.

Ang kalat-kalat pa dito sa kwarto ko, hindi manlang nilinisan bago magsilayas. Naku naman oh! May pasok pa ako bukas, kailangan ko ng matulog.

+++++
Monday Morning.

Takte! May flag pa ako. Paspasang kain na ginawa ko at buhos-buhos nalang ng tubig. Ayoko pa naman sa lahat yung late ako eh.

Mas sanay akong naglalakad ng may kasabay. Kasabay ko si Daisy. Kaso wala na sya eh, siguro ngayon nasa Airport na yun. Hindi ko manlang sya nagawang ihatid, nakakalungkot na nakakatamad pumasok.


“Ms. Reyes your late?” takang tanong ni Prof. Hindi naman talaga ako nalalate eh. Palagi akong nangunguna sa klase namin, pero dahil sa mga hindi ko maintindihang bangungot kagabi puyat ako hanggang ngayon.

“I’m sorry Prof.” dahil sa kabaitang taglay ni Prof. pinapasok na ako. English Professor namin sya, at super close din kami. Ewan ko, siguro dahil sa mabait ako? Agree ka nalang.

“Okey Goodmorning Class.” As usual sasagot kami ng
“Goodmorning din Prof.” What’s new? Ganyan naman talaga ang mga studyante.

“I would like to Announce na mas madrama ang drama class natin ngayon, because we are welcoming are new exchange student...” speaking of ‘NEW’. Tama ba ang sabi ni Prof. new student?

“Let us welcome. Ms. Scarlet Cerise.” Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto at isinuka nito ang isang ahm... ahh.. ahhmmm..

HUWOOOWWW!! Ang ganda nya. Para syang hinulog sa langit. Ay I mean, mukha syang Angel with her red hair? Red lahat, kasi nakacivilian palang sya eh. August na kasi ngayon, meaning three months na kaming nag-aaral. Masyado na syang late tapos hindi pa nakauniform. Bakit kaya?

“Ahh.. ahh. You may take your sit Ms. Cerise.” Ay naku! Pati si Sir nagkanda utal-utal na sa sobrang ganda ni Scarlet. Hmm.. medyo may pagkamasungit lang ang dating nya.

“Salamat Sir ahehehe.” Ay landeee? Ang arte palang magsalita.

“ahm. Now, as you all know we are putting up are our annual school play.” School play? Ano naman yun?

“This year, it will be the Romantic story of Cinderella.” Cinderella...weird naman nun. Not really weird, ang pangbata kasi ng dating.

OKEY. Ako na maarte din. Yna makinig ka nalang kay Prof.

“Casting Cinderella is very difficult, dapat she fits Cinderella perfectly.” Ahem, hindi ako yan.

“She must be able to express the wide range of emotion.” Aba’y lalo ng wala sa kakayanan ko ang  maging madrama sa buhay. Failed ako dyan.

“She must also really exult the truest essence of Cinderella.” Ahm. Pwede na rin, kaya ko naman magpakatotoo eh. Pero ayoko parin.

“An assuming, beautiful inside.” tong mga lamang loob ko, bumaliktad na dahil kay gwapo, kaya hindi na to beautiful inside. Failed! Teka! Lamang loob nga ba yung tinutukoy ni Sir, o attitude ng character?

“Our Cinderella will be play by Ms. Katarina Reyes.” HUWAT? AKO PARIN? ANAK NAMAN TALAGA SI SIR NG PRINCIPAL OH! Porket ba ako ang magaling sa dialog ako na lagi ang bida sa English roleplay?
‘Naku Yna, pakipot ka pa!’

Che! Tumahimik ka dyan konsensya!

“Ikacast palang namin ang role ng Prince charming, so boys better get ready because, the story ends in a Romantic Kissing scene after the stars.” Naku naman oh! No choice ako, so kailangan ko nalang panindigan.

++++++
Pathway

“Sino kaya yung magiging Prince charming ko? Sa dinamirami ng pwedeng magcast kay Cinderella ako pa ulit. Dapat si Scarlet nalang. Naku! May kissing scene pa pala yun sa huli, patay paano kaya kung...”

“Awww!” Urgh! Sakit nun ah, parang nabiyak bungo ko.

“Ms. Okey ka lang? Sorry I made you fall. Here, take my hand.” Slow motion syang inilahad kamay nya para itayo ako at agad ko yun inabot. Chansing lang.

“I do. Ay este, Thank You.” Gosh! Ang gwapo naman nya, parang si gwapong Lance.

“I’m Prince by the way...”

(RRRIIIIINNNNNGGGGGG.....)  wrong timing na bell. Tsk!

“Bye, I’m sorry ulit.” Hays, nakakapang tulala naman sya. Prince? Prince daw pangalan nya. Parang gusto ko na tuloy yung Princess na tawag nila sakin, para soulmate kami hehehehe.

++++++
Comfort Room

Napalakas ata yung tama sakin ng bola, namumula pisngi ko ngayon. Geezz, ayoko pa naman yung nadadala ako sa Clinic.

1 hour break naming ngayon na hindi naman kasabayan ng ibang section, so.. solo ko tong c.r. ngayon. Minsan kasi kapag maykasabayan ako dito, ugali na ng ibang studyante na ‘Pahingi po ng pulbo, pwedeng makihiram ng lipstick, pwedeng pasalamin?’ naku, immune na ako sa mga ganyang line na yan. Kaya nakakasawa rin minsan at inuubos nila make-up kit ko.

Speaking of salamin. Napatalikod ako bigla. Ayoko ng tumingin sa salamin, baka bigla silang magsilitawan ngayon.

Diba nga sabi ni gwapo, kahit saan pwede nilang puntahan. Basta sa salamin lang sila dadaan. So, may possibilities na makita ko sila ngayon.
“Booohh!”

“Ay palakang kokak ka!” grabe! Nakakagulat naman tong si Jeah. Aakala ko kung sino na eh. Wooohh, pinagpawisan ako dun ah.
“Oh! Para kang nakakita ng multo ah. Mukha ba akong white lady Yna?”

Enhale, exhale.

“Hindi naman. Nakakagulat ka lang talaga.” Awkward moment alert. Honestly, hindi kami close ni Jeah. As in, HINDI TALAGA. Paano nya ako nakakausap? Ewan ko sa kanya, kahit ako nagulat din ng bigla nya akong kinausap eh. Tahimik type kasi sya masyado, meaning hindi lang ako yung hindi nya kaclose, kundi kaming lahat.
Sabihin nalang natin na wala syang Friends, kahit isa lang WALA.

Yumuko nalang sya at nagtuloy-tuloy papasok ng cubicle, ako naman nakatayo parin. Nang bigla kong mapansin na parang may lumabas na imahe sa salamin.
Hindi lang basta imahe, kundi mga nakakatakot na imahe.

“Zu..Zues?” biglang labas naman ni Jeah. Nagpanic ako bigla ng mapatingin din sya sa salamin na tinitignan ko. Nakikita kaya nya? Mukhang oo eh.
Nagkatitigan lang kami, habang si Zeus nakatingin din samin. Hindi ko alam kung kanino ba ako makikipag eye contact, kay Zeus ba o kay Jeah.


“Okey ka lang ba talaga?” tanong nya at lumapit sakin para hawakan noo ko. Wala naman akong sakit eh. Saka tumingin ulit sya sa  salamin na parang nakikita talaga nya si Zeus.

Si Zeus naman nakatingin lang din sa kanya, nag eye-contact ba sila?

“O..okey lang ako.” kumunot nalang noo nya ng tabigin ko ang kamay nya nahahawak palang sa noo ko. Sorry, nagpapanic na ako eh. Hindi ko alam sasabihin ko kapag mahalata nya ako.

“Sorry. Okey alis na ako.” Tsk! Ano ba tong ginawa ko? Minsan na nga lang ako kausapin ng tao nadisappoint ko pa sya. Nakakahiya naman oh.

“Okey ingat ka.” Dahil sa malapit na time namin sa next subject naisip ko sumabay nalang kay Jeah para makabawi sa kanya. Kaso, paglabas ko, mabilis agad syang nawala. Saan napunta yun?

Iisa lang naman tong daan dito, walang liko sa kanan at kaliwa. Diretso lang talaga ang lakad. Wala pa namang three minutes nung lumabas sya sa c.r. eh, so baka maabutan ko pa sya. Nga pala, simula nung lumabas si Jeah sa c.r. nawala narin si Zeus. Siguro nagpakita lang sya sakin para manakot. Tsk.

After a couple of minutes, nakita ko si Jeah na nagsasalamin, masyado syang seryoso na parang nakasimangot. Naisip ko, kung gulatin ko rin kaya sya hahaha.

“Huli ka!!” nataranta sya bigla at agad na tinago ang maganda nyang salamin sa bag. Nagpapaganda rin pala sya?

“Ah.. an..anong ginagawa mo dito?” yayks! Parang sya naman tong nakakita ng multo ah.

“Dito pala hide out mo ah. Infairness mukhang wala ngang katao-tao. Mukhang tayong dalawa lang nakakaalam nito.” Dito sa likod ng abandoned room ko sya nakita. Alam ko rin tong lugar na to, madadaanan mo kasi to bago ka makarating sa burol which is tapunan dati ng basura. Noon kasi ako ang trip ng mga teachers ko na magtapon ng mga basura kaya alam na alam ko to.

“Hindi ah. Nagpahinga lang ako dito.”

“Kahit mabaho ang simoy ng hangin dahil sa mga basura? Okey lang sayo?”

“Ahhmm.. oo naman.” Hindi kami ulit nag-imikan. Weird kasi sya eh, at masyadong mysterious girl.

Nakaramdam ako bigla ng pagod kaya pinaurong ko si Jeah para makaupo rin ako. Kaso aksidente naman na masanggi ko ang bag nya na may lamang mga gamit pati yung tinatago nyang salamin at nahulog lahat to. Sa aksidenteng yun, nabasag yung luma nyang salamin.

“Hala! Jeah, sorry.” Sa taranta naming dalawa sabay kaming napayuko at nagmadaling damputin yung mga notebook at books nya. Balak ko sanang uanahan syang kunin yung salamin kaso mabilis pa sa hangin at nadampot nya agad yun.

“ANONG GINAWA MO SA KANYA KATARINA?” dumagundong ang buong room ng sigawan nya ako, pati yung echo ng boses nya parang masyadong nakarami ng ulit.

“Sorry, hindi ko naman sinasadya eh.” Putek! Nakakatakot palang galitin tong si Jeah, dapat pala hindi ko sya ginagalit. Ang sama pa ng tingin nya sakin.

“Tsaka, sinong KANYA?” magwawalk out na sana sya ng marinig nya ang tanong ko kaya napahinto sya ngayon. Yun bang na freeze.

“Ha? May sinabi ba akong ganyan?” weird, bakit bigla naman syang huminahon ngayon? May pagkamoody pala tong si Jeah eh.

“Oo sabi mo. Anong ginawa ko sa kanya. So... sinong sya?”  hindi parin sya humarap sakin. Nakatalikod parin at ramdam kong parang nakasmirk sya.

“Never mind. Mind your own business Yna. Let go of me.”

Ngayon ko lang napansin, masungit pala tong si Jeah. Marami pa pala akong hindi alam sa kanya. Sabagay, ngayon palang naman kami nagkausap eh. Lagi nalang salamin ang hawak nya. Weird nun ah.

Ngayon, alam ko na kung sino yung pwede kong kulitin. Para makamove on narin ako kay Daisy. Para may makasama na akong new friend ngayon. Malay natin, baka si Jeah na pala ang sagot sa mga hinaing ko. I mean, para same na kaming hindi lonely. Ang problema lang, galit sya sakin ngayon. Paano na yan?
Medyo hindi pa  kami nagkakalayo ng simulan kong mangulit sa kanya.

 “Jeah! Sorry na oh. Hindi ko talaga alam na nasanggi ko yung bag mo eh. Hayaan mo bibilhan kita ng masbago pang salamin. Yung masmaganda dyan.” kumuha sya ng tissue at ipinunas sa pisngi nya.

“Teka! Umiiyak ka? Naku, wag kang umiyak Jeah. Baka akalain nila inaaway kita.” Ano ba yan! Hindi ko malaman kung ano ba talagang ugali ang meron sya. Grabe magalit, biglang babait, tas biglang iiyak. May masweweirdo pa pala sakin dito sa campus na to.

“Hindi to napapantayan ng pera o kahit anong bagay. Kahit maganda pa yang ipapalit mong salamin. Itong salamin ko parin ang gusto ko.” May sentimental value pa pala tong salamin nya sa kanya. Ito yung mahirap eh, may paraan na nga hindi parin pala pwede. Dapat hanapan ko pa to ng ibang paraan. Siguro naman, kaya to solusyunan ni gwapo nho?

“Ganito nalang Jeah. H’wag mo munang alalahanin yang salamin mo. Ako nang bahala dyan. Mas mabuti pang pumasok muna tayo sa last subject tapos ililibre kita ng pang Lunchbreak.” Balak pa sana nyang tumanggi pero wala na syang nagawa.
“ok.” Ikli nyang sagot.

Normally, kapag nasa room na kami ni Jeah parehas kaming walang kausap. Sya lang talaga ang meron, yung salamin nga nya haha, minsan napapaisip rin ako eh. Paano kaya kung may friend ghost pala tong si Jeah pero sa salamin nya nakikita. Nakakakilabot yun ah.

Ako naman, nganga lang minsan lalo na ng wala na si Daisy, walang nangungulit sakin. Pero ngayon? Kami na ang magkasama, ngayong araw lang naman. Ewan ko na bukas, baka magbago nanaman ang ihip ng hangin at balik sa dating gawi. Lonely!

*Blah blah blah blah.* hindi talaga ko nakikinig sa Math. Boring yun eh.
Saka tong katabi kong si Scarlet, hindi ko mapigilang hindi sinusulyapan. Ang ganda nya kasi eh, nakakatomboy talaga. May pagkamasungit nga lang ang dating kaya walang may ganang kumausap sa kanya.

“Okey classs dismiss.” Yang linya na yan ang pinakagusto ko sa lahat. Bukod sa recess, Dismiss ang pangalawang gusto ko. So... may usapan nga kami ni Jeah na ililibre ko sya kaya bago pa nya ako takasan hinarang ko na agad sya sa pinto. Nagpaiwan kaming dalawa sa room. Last subject narin naman namin to eh kaya walang alalahaning baka malate sa next subject.

“Oh, tara na?” aya ko. Isang weirdong tango lang naman ang sagot nya. Hayaan mo na, baka may pag-aasang mabago yan.
+++++++
Canteen

“Sorry ah. Dito lang kita dinala,.” Putek! Hindi ko naman alam na wala na pala akong budget eh.
“Ok lang.” nahiya talaga ako kay Jeah. Ang lakas ng loob kong yayain syang ilibre tapos canteen lang pala ang bagsak namin. Alam kasi naming lahat na may kaya sila Jeah. Alam ko mayaman sila eh, pero bakit dito lang sya sa public nag-aaral? Saka bakit ang simple lang nya, dapat ineenjoy nya ang pagiging teenager eh. Lalo na ngayon, pwede nyang mabili lahat ng gustuhin nya. Pero, mukhang hindi sya ganun, ibang tao si Jeah.
“Jeah.”

“Hmm?” tinignan nya lang ako.

“Bakit ang tahimik mo? Saka galit ka parin ba sakin?” imbis na sagutin nya ako, may inabot sya sakin na papel. “Anong gagawin ko dito?” inabutan din nya ako ng itim na ballpen.

“Teka! Anong meron dito Jeah?” uminom sya ng tubig. “Masyado kang maraming tanong tungkol sakin. Hindi ko yan kayang sagutin lahat gamit bibig ko. Kaya isulat mo nalang dyan lahat yung mga tanong mo. Sasagutan ko mamayang gabi, ibibigay ko sayo bukas.”  Napatango nalang ako sa kanya.

Tamad ba syang magsalita?

Monday 5:30PM

12nn ang last subject namin pero 5pm ako pinauwi ni Jeah. Kasi ganito yun.

“Gusto mong tambay muna tayo?” ha? Si Jeah Salvador tatambay kasama ako? Usually kasi sa mga ganyang tatahimik tahimik, diretso ang uwi sa bahay nila at dun nalang sila. Pero bakit tatamabay pa kami, at saan naman?

“Sige ba! Saan ang venue natin?”

“Sa bahay.” Bigla akong nasamid. Tama ngang instinct ko, ang mga tulad nya stay put lang sa bahay nila. Yun na nga ang pupuntahan namin ngayon.

“Baka magalit parents mo Jeah.” Aba mahirap na kapag iba ang maging tingin sakin ng mama at papa nya. Saka may hiya pa naman ako nho, syempre tanggi tanggi muna.

“Hindi yan! Tara.” So... bukod sa pagiging tahimik nya, may pagkabrutal din si Jeah. Bigla-bigla nalang syang nanghahatak at take NOTE, malakas pa sya sakin.


Monday 2:00PM
Jeah’s House

“WOW! Bahay nyo ba talaga to?” grabe! Kung titignan mo sa labas ng bahay nila, mukhang simpleng bahay lang to. Pero, pagpasok mo, parang ganito ang pakiramdam kapag nasa mundo ka ng worldstone. Batay sa pagkakwento sakin ni Scarlot, malaFantasy daw ang mundo nila. Ganito rin yun tulad ng bahay nila Jeah. Yung mga designes parang mga buhay sila. Tapos, para kang nasa palasyo, sa isang kastilyo. Ganito pala ang pakiramdam.

Naisip ko bigla, paano kung totoong ako nga ang Prinsesa nila? Mararanasan ko kaya lahat ng nararanasan ngayon ni Jeah? Tsk! Ang creepy naman ng dating, inggetera ang labas ko nito eh.
“Oy! Nakikinig ka ba sakin?” ay palakang kokak! Ano ba naman to, lagi nalang akong ginugulat.

“Ah.. ehh. Ano ba yun?” back to poker face na naman mukha nya. Hindi ko namalayan, nagkekwento pala sya sakin. Tungkol sa mga gamit nya na sobrang mahahalaga, halos ata lahat may sentimental value eh.

“Nasaan mama at papa mo?” Freeze naman! Weirdo talaga to. Dapat binabansagan tong Scary girl eh. Matatakot ka kasi hindi mo alam susunod nyang irereact.
“Ahm...wala nga sila. Nasa business.”
“Malayong lugar ba?” nagbuntong hininga muna sya. “Oo, sobrang layo. Sobrang sobra na halos hindi mo kayang puntahan kahit gaano ka pa kayaman, kahit mapera ka pa.” wow! Hugot yun ah. “Juice?” inabot nya sakin ang isang basong Juice. Astig nga eh, pati Juice nila iba sa pakiramdam kapag nainom mo na. Relaxing.

“Hahaha, parang worldstone pala yang sinasabi mong lugar.”  Sa hindi inaasahang pangyayari, naibuga sakin  ni Jeah yung Juice. Hanep ah! Mukha na ba akong lababo ngayon?

“Sorry Yna. Sorry talaga!” tsss. May magagawa pa ba ako, basa na uniporme ko eh.
“Ayos lang. Basta pahihiramin mo ako ng damit ah. Ayokong umuwi ng basa ako.”

“Ok. Tara akyat tayo pahihiramin kita.” Habang naglalakad kami, hindi na sya umimik pa. Kapag mauuna syang maglakad bigla syang hihinto tapos haharap sakin. Tapos hihinto nanaman, tapos haharap ulit. Yung totoo? Normal na tao ba sya, I mean nasa matinong pag-iisip pa ba tong si Jeah?

“Ahmm...Teka nga Jeah! May gusto ka bang itanong?” sa itsura nya, mukhang meron nga sya itatanong na hindi nya maituloy. Tinanguan nya lang ako sabay abot ng black na damit. Isa pa pala sa mga napansin ko, mahilig sya sa black and white.

“Ano bang gusto mong itanong sakin?” seryoso at sincere kong tanong.
“Saan mo nalaman yung salitang worldstone?” ay yun lang ba yung tanong nya?

“Seryoso ka, yan yung pinag-iisipan mong itatanong sakin?”
“oo.”
“Okey. Nalaman ko yang salita na yan kay...” naalala ko bigla si Scarlot. Nabanggit pala nya sakin nung time na gumamit sya ng kernels na wag ko daw babanggitin sa ibang kakilala ko ang salitang ‘Worldstone’. Bakit kaya, hindi naman nila alam yun eh. Saka walang magiging interesado sa mundo nila. Pero, dahil sa kailangan kong sundin si Scarlot....

“Kay....?” inaabangan talaga nya yung sagot ko.
“Hindi pala. Imbento ko lang yun. Kasi, alam mo na... mahilig ako sa fantasy kaya kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Hehehehe.” Piece tayo Jeah! Mukhang nadismaya sya sa sagot ko at iniwan ako sa kwarto nya para magpalit na ako ng damit.




Edi yun na nga, kaya ako natagalan ng uwi kasi nagkwentuhan pa kami. Unti unti ko ng nakikila si Jeah sa kung ano talaga sya. Tahimik, mabait, brutal minsan at moody.