Saturday, August 22, 2015

Chapter 6

Sorcerer’s Princess-chapter 6
Katarina Reyes P.O.V.

 Tuesday, 5PM. Hindi ko parin nilalabas si Lance. Bukod sa naiinis ako sa kanya, nahihiya rin ako. Ewan ko ba, ang lakas ba naman kasi ng loob ko na magtago dito sa mismong pamamahay nya.

Hindi ko nga alam kung buhay pa ba yun si Lance, kanina pa sya nakaabang sa pinto. Kanina pa sya walang kain, hindi naman kasi kami nakakain nung tinakbuhan ko sya. Nakikiramdam lang ako at nag-aantay na muli syang magsalita kaso, wala eh.

“Lance....?” nga pala, hindi na gwapo ang itatawag ko sa kanya. Simula ngayon, tatawagin ko na sya sa tunay nyang pangalan. Si Lance Crimson.

“Yes! My Princess?” halatang antok ang tono ng boses nya. Mag 8Pm na nga ng gabi hanggang ngayon hindi parin nya ako sinusukuan?

“Lance... kanina ka pa ba dyan?” nakakakonsensya naman, ano na kaya ang itsura nya ngayon? Pumangit kaya sya, o gwapo parin?

“Yes! My Princess.I was still waiting for you.” Gusto ko na syang labasin, alam kong gutom na sya. Gusto ko na syang patulugin kaso humaharang ang Pride ko.

“Bakit hindi ka pa dyan naalis?” gusto kong malaman kahit sabihin nyang ng dahil sakin kaya sya nag-aantay.

“Nang dahil sa’yo....” mabilis akong tumayo at nilapit ko ang tenga ko sa pinto para mapakinggan ko ng ayos yung sasabihin nya.Pahina kasi ng pahina ang boses nya eh.
“.... kaya ako.. nagkakaganito.” Teka! ng dahil sa’kin?

“Bakit ako, bakit ng dahil sakin inaantay mo ako?” hhmm... Lance...

“Gusto mong malaaman kung bakit Prinsesa?” bigla kong naramdaman na parang tumayo sya, hindi naman sya umalis. Parang sumandal lang rin sa sya sa pinto, bigla kasing gumalaw yung doorknob.

“hhmm... sige.” Kapwa kami tumahimik, walang nagsalita. Naging tahimik lang lahat. Lance... bakit ng dahil sakin?

“Lance...?” sasabihin ba nya sakin? Hindi na sya sumagot, kaya napagdesisyunan ko ng buksan ang pinto.

“LANCE? Lance... anong nangyari sa’yo? Oy gumising ka dyan. Oy Lance.” Putek! Putlang putla na sya ngayon. Para syang pumapak ng suka sa sobrang putla ng labi nya.

“Lance, bakit ang lamig-lamig mo? Bakit ba.... hindi ko alam gagawin ko.” Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para magdial ng ambulansya. Kaso, bigla naman nyang pinigilan ang braso ko. Hindi na maganda ang lagay nya, hindi ko pa alam kung ano bang dapat kong gawin.

“Lance, bakit? Anong gagawin ko sa’yo, ano bang nararamdaman mo?” tuluyan na akong naiyak. Ayoko ng maulit to, parang naulit lang yung araw ng inatake si mama Tess sa puso. Wala akong magawa nung panahon na yun kaya tanging Hospital lang ang alam kong pagdadalhan sa kanya.
“H’wag kang...” pinilit nyang umupo saka sya umubo.
“H’wag kang mataranta, normal lang to sakin.” anak ng...

“Ito? Normal lang sa’yo? Ano ka ba naman Lance, dito sa mundo namin hindi na normal ang ganyang kalagayan.Malala na yan.” Nginitian nya lang ako ng nakakaloko.

“Nalimutan mo na bang hindi ako Mortal Mahal na Prinsesa? Kahit na, basta hindi maganda yung pakiramdam nya.

“Ano bang gagawin ko....?” napafacepalm nalang ako sa kaba. Parang masmaaga akong machuchugi ng dahil sa kanya eh.

“Pumunta ka sa Master Bedroom. Sa kulay red na box, may makikita ka dun. Red na bilog, gamut ko yun bilisan mo.” Agad akong tumayo at hinanap ang kwarto nya.

Napatingin ako sa buong bahay. Halos, manlumo ako ng mapansin kong napakaraming kwarto. Lahat pula ang pinto, lahat pagpasok mo pula ang loob.
Hayyss, hindi na to bahay, mansion na to!

“Ito na ata!” nasabi ko nalang sa sarili ko habang pagod na pagod kakaakyat panaog sa sa hagdan.

“Your late My Higness” ay palakang kokak!!
“Lance? Paanong....” napatingin ako sa itsura nya. Mukha na syang normal, hinawakan ko pa ang noo at leeg nya pati braso. Hindi na rin malamig!

“Nagteleport ka? Kamusta na pakiramdam mo?”

“Yes! I’m fine.” Napaubo nanaman sya. Okey na ba talaga to?

“Sure ka ba, mukha kasing hindi pa eh!” sa bandang gilid may binuksan syang pulang box. Ito na siguro yung sinasabi nyang lalagyan ng gamot nya.

“Anong tawag dyan?” sa loob nun, may kulay violet na bilog. Teka!

“Oh! Akala ko ba pula ang laman nyan?” hindi nya ako sinagot at nagtuloy-tuloy lang sya sa paglalakad. Pumasok sya sa isang maliit na kwarto kasama ang red box, c.r. siguro yun.


+++++++
Lance Crimson Side

I was so damn to myself. Na out of balance ako sa paggamit ko ng magical wand ko kanina kaya imbis na ilapag ko ang Prinsesa ng maayos. Tsk! Naibagsak ko pa sya, kaya ayun. Umiyak, saka ko sya hinabol.

I don’t even know what she feels after I hurt her. Still waiting for her answer if shes fine. It’s so... uggh! Naiinis talaga ako.

Hindi pa naman din sya kumain ng umagahan at tanghalian.Gustong gusto ko na nga syang pasukin sa loob para pagdalhan ng makakain pero, hindi ko magawa. Alam ko na lalo lang syang magagalit sakin.

That’s why I decided to get off. Pupunta nalang ako ng mall para bumili ng pwede nyang mapagpipilian.Peace offering lang ba.

+++++++
Katarina Reyes P.O.V.

5 minutes ko na syang inaantay lumabas pero wala paring Lance ang nagpapakita sa’kin.Kaya naglibot-libot muna ako sa loob ng kwarto nya. Sobrang laki nito at purong pula ang kulay ng mga gamit.Napansin ko rin na wala syang salamin kahit isa, bakit kaya? Paano sya nakakalabas pasok sa worldstone kung wala syang salamin na ginagamit? Napapaisip tuloy ako.


Feeling ko ang haggard ko na, ang gulo ng buhok ko at pawisan pa tong mukha ko. Okey, ako na pangit! Sakto namang naalala ko na may cellphone ako sa bulsa ko, minsan kasi kapag ayaw akong pahiramin ni Jeah ng salamin nya ‘tong screen ng phone ko ang ginagamit ko.

“Hmm... hhmmm... hhmm... lalala lalala.” naghuhumming po ako nyan ng mapansin ko sa reflection ng screen na may lalaking lumabas sa c.r. imbis na si Lance. Pero, pagharap ko si Lance naman. Namamalikmata lang kaya ako?

Iba na ang aura nya ngayon, kaysa sa kaninang pagpasok ko dito. Para syang binabalutan ng itim na aura, ewan ko ba! Pati ata ako nahahawa na sa kaweirduhan nya eh!

Pero... hindi ko matiis kaya sya namismo ang tinanong ko. Malay mo, nakita na pala nya yun.

“hmm.. Lance....?”

“Yes, My Higness?” paiba-iba tawag sa’kin nito. Ang dami ko na masyadong pangalan ah.

“May nakita ka bang lumabas na lalaki sa c.r? Nakaviolet na matangkad tapos may pagkamasungit ang itsura nya, parang ikaw.... ngayon?” bigla syang napatingin ng masama sa akin. Ano bang nangyayari dito bakit biglang nagbago nanaman? Kanina ang bait bait, tapos kinukulit ako, tapos biglang nanlamig ang buo nyang katawan, tapos ngayon sinusungitan nanaman ako? Ibang klase din itong si Lance eh

Pero iba yung tingin nya sakin, nagtitigan lang kami ng ilang minuto. Si Lance, brown ang mata. Bakit ngayon ang itim na? Si Lance, pagtumingin sa akin yung tingin lang na inis yun bang iritadong mukha. Pero itong Lance na kaharap ko ngayon, yung tingin nya sa akin parang galit na may halong puot.

Kaya bigla akong nabahala at nagtaka! May kakaiba ngayon kay Lance. Para maputol na tong pagtititigan namin sinadya kong tabigin yung baso na nasa gilid ng red box para makakuha ng atensyon nya.
Habang dinadampot nya yun agad kong binuksan ang camera ng phone ko.
Mabilis kumabog ang dibdib ko sa natuklasan ko ngayon. Ibang iba ang kaharap ko sa nakuha kong litrato kaya bigla akong napaatras na ikinagulat naman nya.

Kusang umilaw ang bracelet ko na nasa wrist ko ngayon, ano nanaman to? Bakit umiilaw nanaman tong braso ko at nagsisimula na syang dumikit sa balat ko.

“You’re the only Princess of Diamania. Hindi nga ako nagkamali.” biglang may lumitaw na salamin sa harap nya.Itininapat nya ‘yon sa kanyang sarili at kusa nalang lumabas ang tunay nyang itsura. Ang lalaking nakuhanan ko ng litrato sa phone ko, parehong pareho ang itsura ng lalaking kaharap ko ngayon. Saglit lang syang may kinausap sa salamin at alam kong babae ang sumagot.

“Sino ka?” nilalapitan nanaman ako ng delubyo. Manginig-nginig akong naglalakad paatras. Nasaan ka ba Lance? Nasaan na ang totoong Lance Crimson?
Kailangan ko ng tulong mo, lumabas ka na.

Zeus...bigla kong naalala si Zeus. Alam kong naririnig nya ang sinasabi ng utak ko. Pero bakit hanggang ngayon wala paring Zeus na nalitaw?

“Hhmm.. tama nga ang alagad ko.” Nag evil laugh sya. Sabay tingin sa akin.

“Wala ka pa pala talagang kaalam-alam My Highness.” Napakunot ako ng noo, hindi ko pa naman talaga alam lahat eh, ang tanging alam ko lang sa ngayon na isa akong Prinsesa sa worldstone. Yun lang!

“Why you shouldn’t try to ask your friend?” kaibigan ko? Si Lance o si Jeah? sila lang naman ang kilala kong Friend ko. Impossible naman na si Daisy yun.
“B...bakit ba.. hindi mo nalang ako sagutin. Sino ka ba ha?” dahil sa lakas ng liwanag sa wrist ko, hindi ko na maaninag ang buong katawan nya. Kahit ako silaw na silaw sa sarili kong kagagawan. Pero sya parang walang nangyayari sa kanya, ni hindi manlang sya nasisilaw.

“Ako si Liliam Heliotrope, ang bangungot nyong lahat.” walang syang tigil sa pagtawa.Nakakatakot, pangdemonyo ang tawa nya. Masakit sa tenga kapag narinig mo.

++++++
Lance Crimson  side.
 Halos lahat ng paninda sa mall nilibot ko na makabili lang ng pwedeng makain ng Prinsesa. Isang puno ng cart ang binili ko kaya kinailangan ko ng sasakyan. Hindi ko rin naman magamit ang teleport ko, baka may makakita sa akin.

Sana lang talaga mawala na ang inis sa akin ng Prinsesa. Bakit kasi nagpakacheezy nanaman ako eh.

Sa hindi kalayuan mula sa mansion ko ng mapansin kong nagliliwanag ng malakas ang buong kong kwarto. Lumalabas yun dahil sa bintanang nakabukas.

“Fck! Ang Prinsesa!” so, wala na akong magawa kaya napilitan nalang akong magteleport. Napakalakas ng liwanag na halos hindi na ako makakita. Senyales ito na nasa panganib ang Prinsesa. Bakit kasi iniwan ko pa sya eh. Tsk naman oh!


++++++
Katarina Reyes P.O.V.

*BOOOGGSSHH!*

“My Princess!!”

Napatingin kaming dalawa ng biglang kumalabog ang pintong pula. Niluwa nito ang humahangos sa paghinga na si Lance. Ang totoong Lance dumating na. Thank you Zeus, alam ko ng dahil sayo kaya nya nalaman ang sitwasyon ko ngayon.

Nagtitigan silang dalawa, pareho silang masama ang titigan sa isa’t isa. Mayroon nga akong hindi nalalaman. May kung ano sigurong nakaraan itong dalawang to.
Tuloy parin sa pagliwanag ang wrist ko at lumakas pa ito ng lumakas ng dumating si Lance. Kakaiba talaga ang lahat, nadadagdagan nanaman ang mga tanong ko.

“Lance Crimson.” Pareho silang humakbang papalapit sa akin habang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. “It’s been a year noong huli kitang makalaban.” Aba! May gana pa atang magreminisce tong dalawang to ah.

“Oo alam ko. Tanggap mo na bang talo ka?” ngumisi bigla si Liliam. Para akong tangang nanunuod ng Fantasy na walang naiintindihan sa palabas. Ano to? Magkekwentuhan pa ba sila sa nakaraan nila bago ako maligtas dito?

“Tanggap ko na Lance. Kaya ngayon, ihanda mo na ang sarili mo.Ihanda mo na ang sarili mo na tanggapin na ikaw naman ang talo.” Sa seryosohan nilang pag-uusap. Mabilis na inilabas ni Liliam ang isang payatot na stick. Tulad ng kay Lance, magical wand din ito pero kulay itim. Ganun din si Lance at inilabas nya ang kanyang magical wand. Sabay silang parehong may binigkas na pang alien lang ang nakakaalam.

“Cirtreme Spectrias.” Liliam.
“Armorandum defensus.” Lance.

“PRINCESS KATARINA!!”


No comments: