Tuesday, August 18, 2015

Chapter 4

Sorcerer’s Princess-chapter 4
Katarina Reyes POV

He was trying to figure out of how to make a hole again. Sabi nya, nagkataon lang daw na mabuksan nya ang lagusan. Si Zeus lang daw talaga ang may kakayanang makabukas ng secret hole, karaniwan daw kasi sa mga tigaworldstone na pumupunta dito sa mundo ng mga Mortal gumagamit sila ng salamin. Kahit saan pwede silang maglabas pasok basta salamin ang gamit. Pero, yung gagawa ka ng sarili mong lagusan which is yung secret hole nga daw, hinding hindi nila yun nagagawa. Maliban nalang daw kung isa kang Wizard.

“Pero diba Wizard ka naman?” I asked him habang nililinis nya ang payatot nyang stick.

“Yeah. I’m a Sorcerer.” Napaisip ako bigla. Ang sorcerer ba at Wizard iisa lang?

“Oh. Ganun naman pala eh. Bakit hindi mo mabuksan buksan?” mukhang nadismaya bigla si gwapo sa tanong ko. Bakit, anong meron?

“ahmp.. ahh...ano kasi eh... I’m so tired. Hindi gumana ng ayos tong wand ko pagpagod ako.” Turo nya kay payatot na stick at napalunok naman sya bigla. Ganun ba yun? Konektado pala yung ano daw nya.. ano yun, yung wand daw? Oo wand nga, konektado pala sila sa isat-isa.

“Okey. Sabi mo eh. Paano ka nyan uuwi?” oo nga pala, Saan sya titira nyan kung hindi sya makauwi sa kanila? H’wag nyang sabihin na----
“Dito ako titira.” HUWAT? dito sya titira sa bahay ko? Pero sabagay, bukas naman siguro okey na sya , nakapag pahinga na sya kaya makakaalis na sya dito sakin.

“Okey fine. But wait. Doon ka tutulog sa kabilang kwarto ah. H’wag dito.” Aba! Hindi ko alam baka mamaya may binabalak pala sya. Tsk tsk.

“Pfft.. don’t you worry Princess. Hindi ako magtyatyaga dito sa bulok mong bahay. I have my own.” HA? As in big HA? May sarili syang bahay dito sa mundo namin?

“Ouch naman makabulok wagas? Pero, hindi nga... may bahay ka dito sa Mortal world?” nginisian nya lang ako at naglakad palabas ng kwarto.

“Oy Oy. Saan ka pupunta?”

“Magteteleport. Sasama ka?” bagot nyang tanong, pero mukhang gusto ko ngang sumama sa kanya. Oo na nga sige, sasama na ako.

“In your dreams.” Aba nga naman! Hindi pa ako nakakapagsalita inunahan nanaman ako? Akala ko pa naman isasama nya talaga ako eh. Gusto ko pa naman makaexperience magteleport. Hmm..

“Fine.” Mabilis ko nalang isinarado ang pinto ko para hindi ko na makita ang gwapo nyang mukha.

Ang kalat-kalat pa dito sa kwarto ko, hindi manlang nilinisan bago magsilayas. Naku naman oh! May pasok pa ako bukas, kailangan ko ng matulog.

+++++
Monday Morning.

Takte! May flag pa ako. Paspasang kain na ginawa ko at buhos-buhos nalang ng tubig. Ayoko pa naman sa lahat yung late ako eh.

Mas sanay akong naglalakad ng may kasabay. Kasabay ko si Daisy. Kaso wala na sya eh, siguro ngayon nasa Airport na yun. Hindi ko manlang sya nagawang ihatid, nakakalungkot na nakakatamad pumasok.


“Ms. Reyes your late?” takang tanong ni Prof. Hindi naman talaga ako nalalate eh. Palagi akong nangunguna sa klase namin, pero dahil sa mga hindi ko maintindihang bangungot kagabi puyat ako hanggang ngayon.

“I’m sorry Prof.” dahil sa kabaitang taglay ni Prof. pinapasok na ako. English Professor namin sya, at super close din kami. Ewan ko, siguro dahil sa mabait ako? Agree ka nalang.

“Okey Goodmorning Class.” As usual sasagot kami ng
“Goodmorning din Prof.” What’s new? Ganyan naman talaga ang mga studyante.

“I would like to Announce na mas madrama ang drama class natin ngayon, because we are welcoming are new exchange student...” speaking of ‘NEW’. Tama ba ang sabi ni Prof. new student?

“Let us welcome. Ms. Scarlet Cerise.” Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto at isinuka nito ang isang ahm... ahh.. ahhmmm..

HUWOOOWWW!! Ang ganda nya. Para syang hinulog sa langit. Ay I mean, mukha syang Angel with her red hair? Red lahat, kasi nakacivilian palang sya eh. August na kasi ngayon, meaning three months na kaming nag-aaral. Masyado na syang late tapos hindi pa nakauniform. Bakit kaya?

“Ahh.. ahh. You may take your sit Ms. Cerise.” Ay naku! Pati si Sir nagkanda utal-utal na sa sobrang ganda ni Scarlet. Hmm.. medyo may pagkamasungit lang ang dating nya.

“Salamat Sir ahehehe.” Ay landeee? Ang arte palang magsalita.

“ahm. Now, as you all know we are putting up are our annual school play.” School play? Ano naman yun?

“This year, it will be the Romantic story of Cinderella.” Cinderella...weird naman nun. Not really weird, ang pangbata kasi ng dating.

OKEY. Ako na maarte din. Yna makinig ka nalang kay Prof.

“Casting Cinderella is very difficult, dapat she fits Cinderella perfectly.” Ahem, hindi ako yan.

“She must be able to express the wide range of emotion.” Aba’y lalo ng wala sa kakayanan ko ang  maging madrama sa buhay. Failed ako dyan.

“She must also really exult the truest essence of Cinderella.” Ahm. Pwede na rin, kaya ko naman magpakatotoo eh. Pero ayoko parin.

“An assuming, beautiful inside.” tong mga lamang loob ko, bumaliktad na dahil kay gwapo, kaya hindi na to beautiful inside. Failed! Teka! Lamang loob nga ba yung tinutukoy ni Sir, o attitude ng character?

“Our Cinderella will be play by Ms. Katarina Reyes.” HUWAT? AKO PARIN? ANAK NAMAN TALAGA SI SIR NG PRINCIPAL OH! Porket ba ako ang magaling sa dialog ako na lagi ang bida sa English roleplay?
‘Naku Yna, pakipot ka pa!’

Che! Tumahimik ka dyan konsensya!

“Ikacast palang namin ang role ng Prince charming, so boys better get ready because, the story ends in a Romantic Kissing scene after the stars.” Naku naman oh! No choice ako, so kailangan ko nalang panindigan.

++++++
Pathway

“Sino kaya yung magiging Prince charming ko? Sa dinamirami ng pwedeng magcast kay Cinderella ako pa ulit. Dapat si Scarlet nalang. Naku! May kissing scene pa pala yun sa huli, patay paano kaya kung...”

“Awww!” Urgh! Sakit nun ah, parang nabiyak bungo ko.

“Ms. Okey ka lang? Sorry I made you fall. Here, take my hand.” Slow motion syang inilahad kamay nya para itayo ako at agad ko yun inabot. Chansing lang.

“I do. Ay este, Thank You.” Gosh! Ang gwapo naman nya, parang si gwapong Lance.

“I’m Prince by the way...”

(RRRIIIIINNNNNGGGGGG.....)  wrong timing na bell. Tsk!

“Bye, I’m sorry ulit.” Hays, nakakapang tulala naman sya. Prince? Prince daw pangalan nya. Parang gusto ko na tuloy yung Princess na tawag nila sakin, para soulmate kami hehehehe.

++++++
Comfort Room

Napalakas ata yung tama sakin ng bola, namumula pisngi ko ngayon. Geezz, ayoko pa naman yung nadadala ako sa Clinic.

1 hour break naming ngayon na hindi naman kasabayan ng ibang section, so.. solo ko tong c.r. ngayon. Minsan kasi kapag maykasabayan ako dito, ugali na ng ibang studyante na ‘Pahingi po ng pulbo, pwedeng makihiram ng lipstick, pwedeng pasalamin?’ naku, immune na ako sa mga ganyang line na yan. Kaya nakakasawa rin minsan at inuubos nila make-up kit ko.

Speaking of salamin. Napatalikod ako bigla. Ayoko ng tumingin sa salamin, baka bigla silang magsilitawan ngayon.

Diba nga sabi ni gwapo, kahit saan pwede nilang puntahan. Basta sa salamin lang sila dadaan. So, may possibilities na makita ko sila ngayon.
“Booohh!”

“Ay palakang kokak ka!” grabe! Nakakagulat naman tong si Jeah. Aakala ko kung sino na eh. Wooohh, pinagpawisan ako dun ah.
“Oh! Para kang nakakita ng multo ah. Mukha ba akong white lady Yna?”

Enhale, exhale.

“Hindi naman. Nakakagulat ka lang talaga.” Awkward moment alert. Honestly, hindi kami close ni Jeah. As in, HINDI TALAGA. Paano nya ako nakakausap? Ewan ko sa kanya, kahit ako nagulat din ng bigla nya akong kinausap eh. Tahimik type kasi sya masyado, meaning hindi lang ako yung hindi nya kaclose, kundi kaming lahat.
Sabihin nalang natin na wala syang Friends, kahit isa lang WALA.

Yumuko nalang sya at nagtuloy-tuloy papasok ng cubicle, ako naman nakatayo parin. Nang bigla kong mapansin na parang may lumabas na imahe sa salamin.
Hindi lang basta imahe, kundi mga nakakatakot na imahe.

“Zu..Zues?” biglang labas naman ni Jeah. Nagpanic ako bigla ng mapatingin din sya sa salamin na tinitignan ko. Nakikita kaya nya? Mukhang oo eh.
Nagkatitigan lang kami, habang si Zeus nakatingin din samin. Hindi ko alam kung kanino ba ako makikipag eye contact, kay Zeus ba o kay Jeah.


“Okey ka lang ba talaga?” tanong nya at lumapit sakin para hawakan noo ko. Wala naman akong sakit eh. Saka tumingin ulit sya sa  salamin na parang nakikita talaga nya si Zeus.

Si Zeus naman nakatingin lang din sa kanya, nag eye-contact ba sila?

“O..okey lang ako.” kumunot nalang noo nya ng tabigin ko ang kamay nya nahahawak palang sa noo ko. Sorry, nagpapanic na ako eh. Hindi ko alam sasabihin ko kapag mahalata nya ako.

“Sorry. Okey alis na ako.” Tsk! Ano ba tong ginawa ko? Minsan na nga lang ako kausapin ng tao nadisappoint ko pa sya. Nakakahiya naman oh.

“Okey ingat ka.” Dahil sa malapit na time namin sa next subject naisip ko sumabay nalang kay Jeah para makabawi sa kanya. Kaso, paglabas ko, mabilis agad syang nawala. Saan napunta yun?

Iisa lang naman tong daan dito, walang liko sa kanan at kaliwa. Diretso lang talaga ang lakad. Wala pa namang three minutes nung lumabas sya sa c.r. eh, so baka maabutan ko pa sya. Nga pala, simula nung lumabas si Jeah sa c.r. nawala narin si Zeus. Siguro nagpakita lang sya sakin para manakot. Tsk.

After a couple of minutes, nakita ko si Jeah na nagsasalamin, masyado syang seryoso na parang nakasimangot. Naisip ko, kung gulatin ko rin kaya sya hahaha.

“Huli ka!!” nataranta sya bigla at agad na tinago ang maganda nyang salamin sa bag. Nagpapaganda rin pala sya?

“Ah.. an..anong ginagawa mo dito?” yayks! Parang sya naman tong nakakita ng multo ah.

“Dito pala hide out mo ah. Infairness mukhang wala ngang katao-tao. Mukhang tayong dalawa lang nakakaalam nito.” Dito sa likod ng abandoned room ko sya nakita. Alam ko rin tong lugar na to, madadaanan mo kasi to bago ka makarating sa burol which is tapunan dati ng basura. Noon kasi ako ang trip ng mga teachers ko na magtapon ng mga basura kaya alam na alam ko to.

“Hindi ah. Nagpahinga lang ako dito.”

“Kahit mabaho ang simoy ng hangin dahil sa mga basura? Okey lang sayo?”

“Ahhmm.. oo naman.” Hindi kami ulit nag-imikan. Weird kasi sya eh, at masyadong mysterious girl.

Nakaramdam ako bigla ng pagod kaya pinaurong ko si Jeah para makaupo rin ako. Kaso aksidente naman na masanggi ko ang bag nya na may lamang mga gamit pati yung tinatago nyang salamin at nahulog lahat to. Sa aksidenteng yun, nabasag yung luma nyang salamin.

“Hala! Jeah, sorry.” Sa taranta naming dalawa sabay kaming napayuko at nagmadaling damputin yung mga notebook at books nya. Balak ko sanang uanahan syang kunin yung salamin kaso mabilis pa sa hangin at nadampot nya agad yun.

“ANONG GINAWA MO SA KANYA KATARINA?” dumagundong ang buong room ng sigawan nya ako, pati yung echo ng boses nya parang masyadong nakarami ng ulit.

“Sorry, hindi ko naman sinasadya eh.” Putek! Nakakatakot palang galitin tong si Jeah, dapat pala hindi ko sya ginagalit. Ang sama pa ng tingin nya sakin.

“Tsaka, sinong KANYA?” magwawalk out na sana sya ng marinig nya ang tanong ko kaya napahinto sya ngayon. Yun bang na freeze.

“Ha? May sinabi ba akong ganyan?” weird, bakit bigla naman syang huminahon ngayon? May pagkamoody pala tong si Jeah eh.

“Oo sabi mo. Anong ginawa ko sa kanya. So... sinong sya?”  hindi parin sya humarap sakin. Nakatalikod parin at ramdam kong parang nakasmirk sya.

“Never mind. Mind your own business Yna. Let go of me.”

Ngayon ko lang napansin, masungit pala tong si Jeah. Marami pa pala akong hindi alam sa kanya. Sabagay, ngayon palang naman kami nagkausap eh. Lagi nalang salamin ang hawak nya. Weird nun ah.

Ngayon, alam ko na kung sino yung pwede kong kulitin. Para makamove on narin ako kay Daisy. Para may makasama na akong new friend ngayon. Malay natin, baka si Jeah na pala ang sagot sa mga hinaing ko. I mean, para same na kaming hindi lonely. Ang problema lang, galit sya sakin ngayon. Paano na yan?
Medyo hindi pa  kami nagkakalayo ng simulan kong mangulit sa kanya.

 “Jeah! Sorry na oh. Hindi ko talaga alam na nasanggi ko yung bag mo eh. Hayaan mo bibilhan kita ng masbago pang salamin. Yung masmaganda dyan.” kumuha sya ng tissue at ipinunas sa pisngi nya.

“Teka! Umiiyak ka? Naku, wag kang umiyak Jeah. Baka akalain nila inaaway kita.” Ano ba yan! Hindi ko malaman kung ano ba talagang ugali ang meron sya. Grabe magalit, biglang babait, tas biglang iiyak. May masweweirdo pa pala sakin dito sa campus na to.

“Hindi to napapantayan ng pera o kahit anong bagay. Kahit maganda pa yang ipapalit mong salamin. Itong salamin ko parin ang gusto ko.” May sentimental value pa pala tong salamin nya sa kanya. Ito yung mahirap eh, may paraan na nga hindi parin pala pwede. Dapat hanapan ko pa to ng ibang paraan. Siguro naman, kaya to solusyunan ni gwapo nho?

“Ganito nalang Jeah. H’wag mo munang alalahanin yang salamin mo. Ako nang bahala dyan. Mas mabuti pang pumasok muna tayo sa last subject tapos ililibre kita ng pang Lunchbreak.” Balak pa sana nyang tumanggi pero wala na syang nagawa.
“ok.” Ikli nyang sagot.

Normally, kapag nasa room na kami ni Jeah parehas kaming walang kausap. Sya lang talaga ang meron, yung salamin nga nya haha, minsan napapaisip rin ako eh. Paano kaya kung may friend ghost pala tong si Jeah pero sa salamin nya nakikita. Nakakakilabot yun ah.

Ako naman, nganga lang minsan lalo na ng wala na si Daisy, walang nangungulit sakin. Pero ngayon? Kami na ang magkasama, ngayong araw lang naman. Ewan ko na bukas, baka magbago nanaman ang ihip ng hangin at balik sa dating gawi. Lonely!

*Blah blah blah blah.* hindi talaga ko nakikinig sa Math. Boring yun eh.
Saka tong katabi kong si Scarlet, hindi ko mapigilang hindi sinusulyapan. Ang ganda nya kasi eh, nakakatomboy talaga. May pagkamasungit nga lang ang dating kaya walang may ganang kumausap sa kanya.

“Okey classs dismiss.” Yang linya na yan ang pinakagusto ko sa lahat. Bukod sa recess, Dismiss ang pangalawang gusto ko. So... may usapan nga kami ni Jeah na ililibre ko sya kaya bago pa nya ako takasan hinarang ko na agad sya sa pinto. Nagpaiwan kaming dalawa sa room. Last subject narin naman namin to eh kaya walang alalahaning baka malate sa next subject.

“Oh, tara na?” aya ko. Isang weirdong tango lang naman ang sagot nya. Hayaan mo na, baka may pag-aasang mabago yan.
+++++++
Canteen

“Sorry ah. Dito lang kita dinala,.” Putek! Hindi ko naman alam na wala na pala akong budget eh.
“Ok lang.” nahiya talaga ako kay Jeah. Ang lakas ng loob kong yayain syang ilibre tapos canteen lang pala ang bagsak namin. Alam kasi naming lahat na may kaya sila Jeah. Alam ko mayaman sila eh, pero bakit dito lang sya sa public nag-aaral? Saka bakit ang simple lang nya, dapat ineenjoy nya ang pagiging teenager eh. Lalo na ngayon, pwede nyang mabili lahat ng gustuhin nya. Pero, mukhang hindi sya ganun, ibang tao si Jeah.
“Jeah.”

“Hmm?” tinignan nya lang ako.

“Bakit ang tahimik mo? Saka galit ka parin ba sakin?” imbis na sagutin nya ako, may inabot sya sakin na papel. “Anong gagawin ko dito?” inabutan din nya ako ng itim na ballpen.

“Teka! Anong meron dito Jeah?” uminom sya ng tubig. “Masyado kang maraming tanong tungkol sakin. Hindi ko yan kayang sagutin lahat gamit bibig ko. Kaya isulat mo nalang dyan lahat yung mga tanong mo. Sasagutan ko mamayang gabi, ibibigay ko sayo bukas.”  Napatango nalang ako sa kanya.

Tamad ba syang magsalita?

Monday 5:30PM

12nn ang last subject namin pero 5pm ako pinauwi ni Jeah. Kasi ganito yun.

“Gusto mong tambay muna tayo?” ha? Si Jeah Salvador tatambay kasama ako? Usually kasi sa mga ganyang tatahimik tahimik, diretso ang uwi sa bahay nila at dun nalang sila. Pero bakit tatamabay pa kami, at saan naman?

“Sige ba! Saan ang venue natin?”

“Sa bahay.” Bigla akong nasamid. Tama ngang instinct ko, ang mga tulad nya stay put lang sa bahay nila. Yun na nga ang pupuntahan namin ngayon.

“Baka magalit parents mo Jeah.” Aba mahirap na kapag iba ang maging tingin sakin ng mama at papa nya. Saka may hiya pa naman ako nho, syempre tanggi tanggi muna.

“Hindi yan! Tara.” So... bukod sa pagiging tahimik nya, may pagkabrutal din si Jeah. Bigla-bigla nalang syang nanghahatak at take NOTE, malakas pa sya sakin.


Monday 2:00PM
Jeah’s House

“WOW! Bahay nyo ba talaga to?” grabe! Kung titignan mo sa labas ng bahay nila, mukhang simpleng bahay lang to. Pero, pagpasok mo, parang ganito ang pakiramdam kapag nasa mundo ka ng worldstone. Batay sa pagkakwento sakin ni Scarlot, malaFantasy daw ang mundo nila. Ganito rin yun tulad ng bahay nila Jeah. Yung mga designes parang mga buhay sila. Tapos, para kang nasa palasyo, sa isang kastilyo. Ganito pala ang pakiramdam.

Naisip ko bigla, paano kung totoong ako nga ang Prinsesa nila? Mararanasan ko kaya lahat ng nararanasan ngayon ni Jeah? Tsk! Ang creepy naman ng dating, inggetera ang labas ko nito eh.
“Oy! Nakikinig ka ba sakin?” ay palakang kokak! Ano ba naman to, lagi nalang akong ginugulat.

“Ah.. ehh. Ano ba yun?” back to poker face na naman mukha nya. Hindi ko namalayan, nagkekwento pala sya sakin. Tungkol sa mga gamit nya na sobrang mahahalaga, halos ata lahat may sentimental value eh.

“Nasaan mama at papa mo?” Freeze naman! Weirdo talaga to. Dapat binabansagan tong Scary girl eh. Matatakot ka kasi hindi mo alam susunod nyang irereact.
“Ahm...wala nga sila. Nasa business.”
“Malayong lugar ba?” nagbuntong hininga muna sya. “Oo, sobrang layo. Sobrang sobra na halos hindi mo kayang puntahan kahit gaano ka pa kayaman, kahit mapera ka pa.” wow! Hugot yun ah. “Juice?” inabot nya sakin ang isang basong Juice. Astig nga eh, pati Juice nila iba sa pakiramdam kapag nainom mo na. Relaxing.

“Hahaha, parang worldstone pala yang sinasabi mong lugar.”  Sa hindi inaasahang pangyayari, naibuga sakin  ni Jeah yung Juice. Hanep ah! Mukha na ba akong lababo ngayon?

“Sorry Yna. Sorry talaga!” tsss. May magagawa pa ba ako, basa na uniporme ko eh.
“Ayos lang. Basta pahihiramin mo ako ng damit ah. Ayokong umuwi ng basa ako.”

“Ok. Tara akyat tayo pahihiramin kita.” Habang naglalakad kami, hindi na sya umimik pa. Kapag mauuna syang maglakad bigla syang hihinto tapos haharap sakin. Tapos hihinto nanaman, tapos haharap ulit. Yung totoo? Normal na tao ba sya, I mean nasa matinong pag-iisip pa ba tong si Jeah?

“Ahmm...Teka nga Jeah! May gusto ka bang itanong?” sa itsura nya, mukhang meron nga sya itatanong na hindi nya maituloy. Tinanguan nya lang ako sabay abot ng black na damit. Isa pa pala sa mga napansin ko, mahilig sya sa black and white.

“Ano bang gusto mong itanong sakin?” seryoso at sincere kong tanong.
“Saan mo nalaman yung salitang worldstone?” ay yun lang ba yung tanong nya?

“Seryoso ka, yan yung pinag-iisipan mong itatanong sakin?”
“oo.”
“Okey. Nalaman ko yang salita na yan kay...” naalala ko bigla si Scarlot. Nabanggit pala nya sakin nung time na gumamit sya ng kernels na wag ko daw babanggitin sa ibang kakilala ko ang salitang ‘Worldstone’. Bakit kaya, hindi naman nila alam yun eh. Saka walang magiging interesado sa mundo nila. Pero, dahil sa kailangan kong sundin si Scarlot....

“Kay....?” inaabangan talaga nya yung sagot ko.
“Hindi pala. Imbento ko lang yun. Kasi, alam mo na... mahilig ako sa fantasy kaya kung anu-anong pumapasok sa isip ko. Hehehehe.” Piece tayo Jeah! Mukhang nadismaya sya sa sagot ko at iniwan ako sa kwarto nya para magpalit na ako ng damit.




Edi yun na nga, kaya ako natagalan ng uwi kasi nagkwentuhan pa kami. Unti unti ko ng nakikila si Jeah sa kung ano talaga sya. Tahimik, mabait, brutal minsan at moody. 

No comments: