(Katarina Reyes POV.)
Tinitignan ko nalang sya habang naglalakad patalikod sakin. Aalis na ang matalik kong kaibigan, iiwan nya rin ako. Pero kahit na pupunta syang America, deep inside masaya ako para sa kanya dahil magkikita na sila ulit ni tito at tita.
“Psst.. Yna.” Naririnig ko nanaman
tong maligno na ‘to. Bumubulong nanaman sya, hindi sya yung bulong na
makikiliti ka eh. Yung bulong na nakakakilabot, alam nyo yun?
Mabilis kong inakyat yung kwarto
ko at laking gulat ko nalang ng mas dumami pa sila ngayon. Iba’t iba ang itsura
nila, may nakakatakot, may magaganda at cute. Pero, napansin ko nawala si Zeus.
“Nasan na yung maligno?” walang
sumagot sa kanila at nakatingin lang ng diretso sakin. “Oh! Teka lang, wag nyo
akong kakainin ah. Nagtatanong lang ako.” Dahan-dahan lang ako lumapit pero
wala parin silang react.
“Mahal na Prinsesa.” Nangilabot
bila ang mga balahibo ko ng maranig ko ulit yung nakakatakot nyang boses, pero
hindi na yun gaanong nakakatakot,medyo malumanay na sya.Ramdam kong nasa likod
ko lang sya at nakatingin sakin. Ayaw kong tumalikod. Ayaw kooo...
Pero, automic naman na biglang
gumalaw ang katawan ko at humarap sa kanya.
“H’WAG POOOOOO.” Sigaw ko sabay
takip ng mga mata ko. Kasi nga pangit sya eh.
“Princess Katarina. What’s
happening here?” what’s happening here? Nag e-english pala si Zeus? Marunong
pala sya magsalita ng matino eh.
Teka! Pangit nga ba? Sino to? OW
MY GAWD? Hinulog ni Zeus mula sa outerspace ang isang gwapong tulad nya. Laway,
wag kang tutulo. Please..
“Scarlot? Is there any problem,
nasaan si Zeus?” nag-aantay nalang ako na tumulo ang natitira kong laway sa
bibig ko. God! Kahit maging gripo pa ‘to okey lang basta sya yung dahilan
“Scarlot. Whose that Mortal? I
told you to find Princess, not a Mortal!” bigla nya akong tinutukan ng isang
mahabang stick na umiilaw yung dulo.
“M..master. H’wag po kayong...”
then suddenly there was a light again, a light glowing on his wondering stick.
Then he was murmuring himself. Anong ginagawa nya?
“AAHH.. ang sakit...” pakiramdam
ko nabali lahat ng buto ko sa likod. Ang lakas ng pagtalsik ko sa sahig. Urgh!
Nagmadaling nilapitan ako ng mga fairies at pinipilit nila akong patayuin.
Masakit eh, sobrang sakit.
“Scarlot you’re waisting my time.”
Itinutok nya ulit sakin yung payatot nyang stick at umilaw nanaman yun. I’m so
wondering kung paano yun nangyayari pero hindi ko na pinansin at pinangharang
ko nalang ang braso ko para hindi na ako tamaan. Grabe, ang daming miserable na
ang nangyari sakin ngayong araw at ngayon, makakaramdam nanaman ako ng
panibagong sakit sa katawan.
Expected ko ng ako yung tatalsik
eh, pero hindi pala. Yung gwapong masungit ang tumilapon sa pintuan ko. Sa sobrang
lakas nagkawasak-wasak agad yun.
“Master...” jusmiyo marimar! Anong
ginawa ko sa kanya? Sa kaba ko, kahit ako napatayo na at nilapitan ko na rin si
gwapong masungit.
“Princess Katarina, napalakas po
ata ang pagtalsik ni Master Lance.”
“Hindi ko sinasadya, hindi ko alam
ang ginawa ko. Bigla nalang syang tumalsik eh. Baka sinadya nya yun sa sarili
nya Scarlot.” Imbis na sagutin nalang nya ako, may kinuha sya sa bulsa nyang
maliit na may lamang halos hindi ko na makita.
“Ano yan? Anong gagawin mo sa
kanya?”
“Isa po tong ‘kernels’ kung
tawagin sa worldstone Prinsesa Katarina.” Ang haba naman masyado ng tawag nila
sakin, hindi ako sanay.
“Yna nalang. Masyadong specific
ang Prinsesa Katarina eh.” Tinignan ko muna yung tinatawag nyang Kernels,
parang alikabok na to sa sobrang liit. Sabi nya hindi lang naman daw isang
piraso yun, kailangan marami para effective sa kakainin nun.
“Magiging okey na ba sya nyan
kapag natikman na nya?” unti-unti nya tong ipinasok sa bibig ni gwapo pero
mukha naman walang effective eh. Hindi pa sya nagising.
“Opo, magigising sya Prinses...”
“Yna nalang Scarlot.” Nginitian
nya lang ako. “Opo, magigising sya Yna. Medyo magkakaroon lang po ng unting
aber...”
“AAAHHHH... SPICY, SPICY, SPICY.”
Nagtatalon si gwapo at namumula na ang mukha nya. Ano bang meron dun sa Kernels
na yun, bakit ganito tong gwapong to.
“Scarlot! Bakit ganyan sya?”
bulong ko. “Yung Kernels po kasi Prinsesa Yna... ay Yna lang pala. Kapag
matikman na po yun ng taong nahihimbing bigla nalang syang magigising dahil sa
anghang nito.”
Napahagalpak naman ako sa tawa.
“Hahahaha.. ganun pala ang purpose ng Kernels na yan. Kahit maliliit lang
malakas talaga ang epekto sa taong tulog. Buti nalang walang ganito nyan sa
Earth. Kung meron, naku! Isusumpa ko yan.” Napatigil silang lahat. Hindi
manlang natawa sa sinabi ko. Mukha bang seryoso yun?
“oh! Bakit kayo nagsitahimik?”
kahit si gwapong masungit napatigil sya sa pag-iinarte nya. Nakatingin lang
sila sakin ng diretso at lumipat yun sa braso kong nag-iilaw na ngayon.
Teka! Nag-iilaw braso ko? Pero...
bakit to umiilaw? Teka, teka! Hindi pala yung braso ko, kundi yung bracelet
kong suot. Yung binigay ni papa.
“KKYYYAAAA. TULONG PO... YUNG
BRACELET KO NAWAWALA NA....” ngayon, ako naman ang sumigaw ng sumigaw. Matapos
kasi umilaw ng bracelet bigla nalang tong unti-unting naglaho sa braso ko na
parang pumasok sa loob ng balat ko at naging tattoo.
“Hey! You’re wearing the armlet of
Princess. That is not yours.” Hinawakan nya ng mahigpit ang braso ko. Masyado
na syang brutal sakin ah. Kanina pa nya ako sinasaktan.
“Aray ko.. nasasaktan ako eh.”
Nagpupumiglas ako sa hawak nya. Buong pwersa nya tong hinawakan na halos ayaw
na nya akong pakawalan.
“Master ! We don’t have time to
that. All we need is to get out of this Mortal world and go back to worldstone.”
Hindi ko nanaman naiintindihan tong mga to. Ano bang agenda to... anong pakulo?
“Teka nga! Magsihinahon kayong
lahat. Ano bang nangyayari sa inyo, bigla-bigla nalang kayo nagpapanic at
nagmamadaling umalis. At ikaw Master ni Scarlot.” Tinuro ko sya gamit ang isa
kong kamay. “Ano bang meron sa bracelet ko, bakit mo ako sinasaktan? Bakit
nagliliwanag parin tong braso ko? ANO! SAGUTIN NYO AKONG LAHAT.”
“We’re sorry your highness. Let’s
go back to our world then, you.....” hindi na naituloy ni Pixie ang salita ng
biglang.
*BOOGGSSHHH*
“AHHHHH... “ biglang sumabog yung
salamin ko sa harap namin at may naglabasan dun na maiitim na usok. Hindi ko alam
kung ano yun, ang mahalaga makalayo kami agad sa kanila
But, the only one solution is to
go back their world. The world that I never heard sa buong buhay ko. Ang
mundong sa Fairtale story mo lang mababasa, at hindi talaga nag-eexist para sa
paniniwala naming mga tao.
“I summoning you guard, I owe you
to come here.
Please bring me your key, to open
me this way.”
Nagformed ng malaking hole ang
dingding ko na nagbibigay ng malakas na liwanag sa buong kwarto. Hindi na sya
basta magandang liwanag, kulay pula na to ngayon. Parami na ng parami yung mga
itim na nagsilabas kanina sa salamin ko. Nababawasan lang sila dahil
nilalabanan sila ni Scarlot at ng mga Fairies, gumagamit ng Green at Pulang
liwanag saka nila ito pagsasamahin para makabuo ng malakas na pwersa.
Habang abala sila sa
pakikipaglaban, kaming dalawa ni gwapo abala naman sa ewan ko... nakatingin
lang ako sa kanya eh. Nasa isang bilog na guhit kami at inaantay na lumaki pa
ang hole na binuo nya. Sa ngayon, hindi ko man maintindihan ang lahat. Alam
kong matatapos din to at ipapaliwanag nila sakin ang mga nangyayari.
Kung bakit ako ang tinuturing nila
na Prinsesa. Kung bakit pinagpipilitan ni gwapo na tanggalin ko ang bracelet na
galing kay papa. Kung bakit kailangan ko pang sumama sa mundo nila at kung ano
ba ang koneksyon nilang lahat sa buhay ko.
“RUN! RUN!” signal na yan ni gwapo
para magsipasok kaming lahat sa hole. Nauna na ang mga malilit bago kami
sumunod ni gwapo.
Kaso, sa kasamaang palad. Bago pa
ako makapasok sa loob ng mundo nila, nabitawan nya ako dahil sa lakas ng pwersa
sa paghigop sa kanya ng big hole. Then, hawak pa ng isang itim na usok ang
kaliwa kong kamay kaya pinag-agawan nila ako. Talo lang si gwapo at ibang daan
ang pinasukan ko.
Pinipilit akong higupin ng salamin
na syang binasag ng mga maiitim na usok na to kanina.
Tulad ng gawain ko tuwing may
nakakatakot, ipinikit ko lang ang mga mata ko at nag-aantay na mamamatay sa
takot. Sinulyapan ko pa ang lagusan kung saan pumasok ang mga elemento at si
gwapo, unti-unti na tong lumiliit kaya NO CHOICE ako ngayon.
Akala ko ba sila ang bahala sakin,
akala ko ligtas ako sa mga kamay nila. Pero, mali pala ako. Maling mali talaga.
“Incrisus pectrum!” teka! Ano yun?
Napahinto yung itim na usok na may
hawak sakin at lumingon. Si gwapo, bumalik sya. Binalikan nya ako!
Naglabas sya ng isang pulang
garapon na may kung anong laman sa loob. Tornado sya na nasa loob ng garapon?
Astig yun ah.
Kusang napabitaw sakin si itim na
usok at hinigop sya nung garapon na hawak ni gwapo. Yun pala ang purpose ng
garapon na yun.
“Princess!” kinilabutan ako bigla
nang tawagin nya akong Princess. So.. naniniwala na pala syang ako ang Prinsesa
nila?
“Yna.... Katarina ang pangalan ko
hindi Princess.” Baka nakakalimutan nya, sinaktan nya ako kanina at iniwan sa
mga itim na usok, although naligtas nga nya ako pero nasaktan na ako nung mga
halimaw na yun.
“Let me...” inilahad nya ang sakin
ang palad nya. Ano sa tingin mo, aabutin ko yan? Manigas ka gwapo! I can stand
alone. Puro gasgas na ang braso ko, masakit pa likod ko sa kagagawan nya at
ngayon natalsikan pa ako ng mga bubog ng salamin ko.
Pero teka! Saan ako dadaan?Nawala
na yung hole na ginawa namin kanina. Paano kami papasok nyan?
“ahmp. Saan tayo dadaan?” kita mo!
Kapal din ng mukha ko eh. Matapos kong sungitan magtatanong kung nasaan ang
daan.
“If you accept my apologize
Princess. I will open again the hole.” Nagsosorry ba sya? Kung OO hindi naman
halatang napipilitan lang sya nho?
“Ok. Apologize accepted.” Kapag
tayo nagpapatawad sa isang taong nagkasala satin, syempre natutuwa sila kasi
pinatawad mo. Ibahin mo tong si gwapo, pinatawad ko na, yung tingin parin nya
sakin ngayon parang kakainin ako ng buo.
“So... can we start to make a hole
again?” he asked me then, nilabas nya ulit yung payatot nyang stick. Ano kayang
meron dun, kasi parang may magic din yun eh.
“Let’s start. I’m ready.”
Ipinikit ko ang mga mata ko dahil
sa silaw ng pulang ilaw. Kanina lang, kulay puti to nung lumabas si Zeus sa
salamin ko. Bakit ngayon pula na? Siguro dahil sa magkaiba sila ng pinasukan at
nilabasan? Maybe.
“Hold my hand.” Gosh! Hold my hand
daw. Hinawakan nya kamay ko. Diba sabi ko hindi ako magpapahawak? Teka, teka!
Naiihi po ako....
“Get ready Princess and---.”
“Ha? Anong get ready. Ano bang
gagawin natin?” pero hindi pa ako natatapos magsalita, bigla kaming hinigop ng
magaling nilang hole paloob sa mundo nila.
“KKKYYYAAAAA....PUSO KOOOO... NASA TALAMPAKAN KO NA .....”
+++++
But, in the end. Nakapasok kami ng
buhay. Nakapasok kaming bumaliktad na lahat ng sikmura ko. Uuurgghh!!
Nakakahilos talaga.
“Ito na ba mundo nyo?” I asked
him. Pero, dahil nga sa bastos nyang ugali hindi manlang nya ako tinayo.
Nagtuloy-tuloy lang sya sa paglalakad na parang nagtataka. Itong mundo pala
nila parang mundo lang rin namin.
“Earth?” si earthling ba? Hala
lagot, baka nandito si Earthling.! May utang pa naman ako dun na hindi ko pa mabayad-bayaran, baka hanggang
dito sa mundo ni gwapo hinahabol ako. Kailangan ko ng magtago.
“Wala tayo sa worldstone. Nandito
parin tayo sa mundo ng mga Mortal.” Inilibot ko mga mata ko. Teka! Oo nga nho, mundo
parin namin to. Nandito lang kami sa LABAS NG BAHAY KO??? Diosang maganda sa
balat ng lupa!!! Akala ko ba naman nakalayo na ako sa mga kinauutangan ko,
hindi pa pala.
“Bakit nandito parin tayo?” aba!
Ako pa ang tinanong? Parang may magic ako!
“Hello Mr. Dapat ikaw ang
nakakaalam nyan. Ikaw tong may weirdo na skills ako pa tatanungin mo? Heller.”
Imbis na magreact. Ignored nanaman natanggap ko. Kung nanliligaw pala ako sa
lalaki, lagi nalang ako basted!
“Let’s go back to your house
Princess. We need to try again to make it perfect.” Dahil nga sa magical nyang
kakayanan. Mabilis lang syang nagteleport papasok sa kwarto ko. Diba dapat ang
Prinsesa pinaglilingkuran, hindi yung ginanaganito?
“Hoy bruhilda kang babaita ka!”
“Ahh
aray ko po. Masakit po.” Putek! Sabi na eh, dadarating si Earthling. Nagsama pa
ng mga kutong lupa nyang mga tanod. Patay nyan, wala akong pambayad.
“ahehehe,
Earthling... ay este Edralyn naman. Masakit yan eh. Hehehe.” Kahit masakit
ngiti parin para makaligtas. (Edralyn, gay name ni Edwin which is si Earthling
yun. The bekimon.)
“Oo
talagang masakit yan Yna. Makakatikim ka lalo ng mas masakit kung hindi mo pa
ako babayaran sa kautangan mo.” Bwisit. Wrong timing ka gwapo. Need your help
naman oh.
“Idaan
nalang natin sa matinong usapan Edralyn. Alam mo na, yung masinsinang
pakiusapan hehehe.”
“Ahh ganun masinsinan pala ah. Oh
pwes yan, sisinsinin ko yang pagmumukha mo sa lupa makapagbayad ka lang.” sa
lakas ng maskuladong katawan nitong baklang to, walang laban ang payatot kong
buto-buto. Mabilis nya akong naisubsob sa lupa kaya nakakain ako ng putik
putik.
“Hey Stop! What are you doing with
her?” biglang lumitaw si gwapo. Ngayon binabawi ko na gwapo ang inis ko sayo.
Parang awa mo na oh. Iligtas mo ako sa bakekong na to. Sarreh yun talaga ang
tingin ko sa kanya eh.
Napatigil bigla si Earthling sa
pananakit nya sakin dahil sa gwapong to. Hayys,, buti nalang. Helpful ka talaga
gwapo.
“Hi Pogi. Naniningil lang naman
ako sa bruhidang to.” Seryoso at mukhang wala namang pakialam tong lalaki na to
samin ni earthling kaya imbis na ipagtanggol ako sa baklang to, tinalikuran nya
kami at naglakad ulit palayo.
“Ang sungit mo naman pala pogi! I
Love thrill.” Binitawan ako ni earthling at nilapitan si gwapo para hawakan sa
balikat pero pahiya naman ang bakla.
“Did I allow you to touched my
coat?” ppfftt.. ano ka ngayon feeling ka kasi eh.
“hehe sabi ko nga.” Tinitigan ako
ni earthling ng masama kaya napatigil ako sa pagngisi. Kung ako sa kanya
titigil na ako pag sinungitan ako ni gwapo. Sya hindi eh, gora lang ang
bekimon.
“What do you want?” out of the
blue moon na tanong ni weirdo. Sino pa ba, edi si gwapo na Master ni Scarlot at
Lance ang pangalan.
“Oh! Naniningil lang ako ng
kautangan nya sakin. Ikaw naman, masyado kang seryoso.” Sabay kapit ulit sa coat
“I said, don’t touched my coat. Or
else....” hindi na nya naituloy at nagpigil nalang sya. Alam ko naman ang kaya
nyang gawin sa earthling na to eh.
“Gaano ba kalaki utang nya sayo?”
huwow! Bakit, babayaran ba nya para makapagtanong sya?
“Eighty thousand lang naman pogi.
Kaso wala daw syang pera eh.” Oo ganyan kalaki utang ko sa kanya. Nagsimula yan
hindi pa namamatay si mama Tess. Kaya tumubo na ng tumubo.
Sa bandang gilid medyo nahagip ng
mata ko na hinawakan ni gwapo yung payatot nyang stick saka sya napatingin
sakin at ako naman tong biglang ilag. Hooo!
“May pera yan! Naniniwala ka
dyan?” aba! Bruhido din tong gwapong to ah. Alalagay pa ako sa alanganin, eh sa
wala nga akong pera eh. Anong ipangbabayad ko?
“Hoy babaita! May pera ka naman
pala eh.”
“Wala po... wala po akong pera.”
Lagot ka sakin pagsinaktan ulit ako nito.
“Bakit hindi mo kapain bulsa nya?”
napaluhod ako bigla ng maramdaman kong bumigat tong magkabilaan kong bulsa.
Grabeng bigat, parang nilagyan ng maraming bato tong bulsa ko.
“oh! May pera ka naman palang
babaita ka eh. Kailangan ko pa palang magdala ng tanod dito para makapagbayad
ka.” mabilis nyang pinaghahalungkat tong bulsa ko at ako tong tulala parin.
Ito ba yung iniisip nya kanina?
Nung nilabas nya yung payatot nyang stick? Alam ko magical yun, at aware na ako
na ako dun ngayon.
“So... now. Get out of these
place.” Malamig nyang banta.
Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa
si earthling at agad kumaripas ng takbo kasama ang kutong lupa nya. Siguro
napansin nyang masama ang tingin sa kanya ni gwapo.
Seriously... hindi parin ako
makarecover sa ginawa nya.
No comments:
Post a Comment