Sorcerer’s Princess-chapter 5
Katarina Reyes P.O.V.
Lance... Lance Crimson pala
pangalan nya.
Naabutan ko si gwapo sa kwarto ko
na pinipilit subukang buksan ang big hole. Nakakapagtaka nga eh, ang sabi nya
mga wizards lang ang pwedeng gumamit ng secret hole. Wizard naman sya ah,
nakapagpahinga na rin sya, bakit hindi parin nya mabuksan-buksan yung lagusan
na yun.
“Pwede bang itigil mo na muna yan?
H’wag mo ng piliting buksan kung ayaw naman. Oh ito, kumain ka muna baka
nagugutom ka na.” inabutan ko sya ng binili kong tinapay sa bakery kanina. Ayaw
pang tangapin pero kukunin naman pala.
“Kamusta?” medyo nahiya pa syang
magtanong.
“Anong kamusta ka dyan, dapat ikaw
ang kinakamusta ko dyan, ikaw tong mukhang hindi okey eh.”
“I was trying to make a hole again
and again in a whole day...” napabuntong hininga nalang sya.
“Hanggang ngayon hindi ko parin
magawa.” Halata naman sa mukha nya, halatang depress. Malala pa sa taong
problematic, pero walang pinagbago, gwapo parin naman.
“Akala ko ba pahinga lang ang
kailangan nyo ng stick mo, bakit hindi parin effective?” mas naging malungkot
pa ang mukha nya ng tanungin ko nanaman sya tungkol dun. Feel ko may kakaiba
talaga.
“Totoo kasi nyan.... mababaw pa
ang rank ko sa ranking ng mga wizard.” Ahhh kaya pala.
“Which means...?” bigla nya akong
binatukan. “Aray ko ah, ano ba yun?” pssh! Brutal talaga sya kahit kailan.
“Ang slow mo, kailangan ko pa bang
iexplain lahat sayo? Kailangan pa bang detalyadong detalyado?” tumango nalang
ako ng dalawang beses sabay lapat ng dalawa kong kamay.
“Psssh... meaning wala pa akong
kakayahang gumamit ng iba’t ibang sorcery. Hindi ko pa kaya yung mga mahihirap
na magical powers. Ayan! Naintindihan mo na?” natawa naman ako sa sagot nya.
Kaya pala hindi nya mabuksan yung lagusan kagabi pa. Pwede naman nyang sabihin
na lower sorcerer pa sya eh, hindi yung kung anu-ano pang dinadahilan. Psshh!
Nahagip ng mata ko yung sun
glasses ko, saka ako napaisip.
“HALA!!! Diba sabi mo sa kahit
anong salamin pwede nyong gamitin? Bakit kaya hindi natin subukan sa ibang
salamin, bibili ako at yun yung gagamitin natin.”
Yung sad face nyang mukha nagglow
bigla. Sabin na eh, kahit pala minsan gumagana din tong utak ko. Hindi pa kami
nagpatumpik-tumpik ni gwapo at agad kaming umalis. Sawakas, nakaranas din akong
magteleport. Ang saya nga, sabi nya mag-isip lang daw ako ng lugar na pupuntahan
namin, so... yung mall ang nasa isip ko then, viola!! wala pang ilang minute
nasa mall na kami. Wala naman nakakita kaya okey lang.
+++++
Mall
“Kailangan ba malaki yung salamin,
kailangan ba maganda, kailangan ba yung ganito, kailangan ba....” napahinto ako
sa pagdadaldal ng titigan nya ako ng masama.
“Pwede ba...? kahit ngayon lang
itikom mo yang bibig mo.” Pinakita nya sakin yung payatot nyang stick,
tinatakot ba nya ako? Pwes hindi ako nasisindak sa kanya.
“Hmmm. Hhmm hhmm.hhmmmm!!!!!”
putek! Para akong tangang pipe dito sa mall. Hindi sya naghesitate na gamitan
ako ng magic wand nya, ginawa pa akong pipe. Langya din tong gwapo na to eh.
Hindi ko tuloy masabi na ihing ihi na ako, anytime pwedeng pumutok tong pantog
ko. Geezz!! Tatahimik na ako promise.
Kinalabit ko sya. “What?” sumagot
pero hindi naman ako tinignan. Kalabit ulit.
“What?” at sawakas tinignan na nya
ang nagmamakaawa kong mukha.
“Hmm..hhmm..hhmmmmmm.” gusto kong
sabihin na ilang oras na kaming panay ang lakad dito sa mall. Nagugutom na ako,
napapagod na ako, naiihi na ako, inaantok na ako at... at....
“Princess!!!!” nag-inarte na akong
hinimatay. Bwahahaha. Kaya mo akong gamitan ng magical wand mo pero, ang isip
ko hindi mo kayang basahin.
“Princess, Princess!!.” Panay lang
ang tawag nya sa pangalan ko na mahahalata mong nag-aalala. Binuhat pala nya
ako at dinala sa pinaka malapit na clinic dito sa loob ng mall. Narinig ko pang
nag-uusap sila ng doctor.
“She’s fine. Antayin nalang natin
syang magising.” Psssh! Natatawa ako, talagang mukhang nakokonsensya sya sa
ginawa nya sakin. Pero, hindi ko parin alam kung tinanggal na ba nya yung
spell, hindi ako makapagsalita.
+++++
Lance Crimson
Princess, Princess, Princes. Tch!
I can’t understand whats happening when scarlot told me that she saw a lost
Princess. Excited of course, sawakas nakita na sya.
Ayoko pa ngang maniwala umpisa dahil
imposible naman talagang maging isa syang Prinsesa, napaka-immature nya at may
pagkaisip bata pa. Madaldal, nakakairita at ang sarap gamitan ng magical wand
ko, yun nga lang ay bawal. Pero dahil sa wala pa naman syang alam at WALANG
NAKAKAALAM, bukod sa mga Elemental ni Princess Emerald na alam na ginagamitan
ko si Princess ng spell. Pangpatahimik lang naman yun.
“She’s Fine. Antayin nalang natin
syang magising.” Psh! Napakagat nalang ako sa lowerlips ko. Imbis na mapaaga
uwi namin nito hindi, mukhang may balak pa tong dito nalang matulog. Mag
tatatlong oras na akong nag-aantay na magising ang Prinsesa, inaantok na ako at
nagugutom narin. Kung nandito lang si Scarlot pakakainin ko to ng kernels tulad
ng ginawa nila sakin, para makaganti narin.
“Armlet.” Napatingin ako sa braso
nya ng mapansin ko ang Armlet. Isa ‘to sa mga pinaniwalaan ko kung bakit sya
nga ang Prinsesa, nasa kanya nga ang Armlet ni Queen Althea. This is a sign
para matunton namin kung saan man sya naruruon.
Napakatagal na panahon narin ng
sinumulan naming mga tigaworldstone ang paghahanap sa lost Princess. Nahirapan
kaming hanapin ang Prinsesa nitong mga dumaan na taon at dahil nga ‘yon sa
Armlet ni Queen Althea. Ayon sa propesiya, ang nawawalang Prinsesa ay maari
naming makita pagdating nito sa ikalabing walong taon. Dahil mismo sa edad na
ito lamang gagana ang Armlet ni Queen Althea na pagmamay-ari na ngayon ng nag-iisa
nilang anak na si Prinsesa Katarina Diamania.
Maaring akala ng Prinsesa na isa
lang tong simpleng bracelet, buti nalang at hindi nya naiisipang itapon.
Pero, hindi ibig sabihin na nasa kanya ang Armlet ni Queen Althea ay sya
na ang nawawalang Prinsesa. Malalaman mo lang ito sa pamamagitan nya mismo, sya
lang ang may kakahayang makagamit ng Armlet. Kusa na lamang itong dumidikit sa
balat ng tunay na Prinsesa, na kung tawagin ng mga Mortal ay Tattoo.
Napaniwala na rin ako ng biglang
umilaw ang Armlet, sinyales yun na may paparating na kalaban. Hindi nga ako
nagkamali at binasag ng mga smokeron ang salamin.
Isa silang itim na kaluluwa, ang
tanging sadya lang nila sa mundo ng mga Mortal ay ang Prinsesa. Sila ang tagasundo,
maaari nilang madala ang Prinsesa sa pamamagitan ng paghigop ng kalukuwa nito.
Hindi man nila mabitbit kasama ang katawan ng Prinsesa ,basta ang kaluluwa
maidala nila sa kanilang pinaglilingkuran.
“Princess... don’t stay away from
me again. I’m willing to be your servant Princess.” Binuhat ko nalang sya at
kailangan ng iuwi. Hospital isn’t good for you. You just sleep, we’re going to
my house.
+++++
Katarina Reyes P.O.V.
“Urrghh! Ang sakit naman nyan sa
mata....” tch! Ang sakit ng katawan ko...
*pikit. Mulat*
Teka! Nasaan ba ako kagabi?
(nag-isip) ahhh.. nasa mall pala kami.
*Pikit. Mulat.*
Teka! Kailan pa ako nagkaroon ng
bintanang malaki? Kailan ko pa ulit binuksan mga bintana ko? At... at... kalian
pa naging pula tong kwarto ko?
“KKKYYYAAAAA..... KIDNAPPER!!!
PAKAWALAN NYO PO AKOOO....”
*Booggssh* (bumukas ang pinto,
isinuka nito ang napakagwapong si Lance)
“Gwapo?” teka ulit! Bakit nandito
sya, sya ba ang nagpakidnap sakin? Kung OO taksil sya. TAKSIL!!!!
“Princess. Huminahon ka lang.” ako
hihinahon? Baka kaya nya ako pinapahinahon para walang makaalam na kinidnap nya
ako. Gagawin ko lahat makatakas lang ako dito. Lord... please...
“desine Principem.” Sa kakasigaw ko biglang nawala boses ko. Ginamitan nanaman ako ng magical wand ni gwapo, ay hindi na gwapo! Kidnapper na!!
“aacckk.. aackk hhmm.. ahckckkk.” Takte! Ang hirap talagang magsalita lalo na pagwala kang boses. Pilit kong inaction sa kanya na wala akong boses, sya naman tong panay ang hawak sakin at piglas ako ng piglas.
“Princess! Listen to me first.” Hinawakan nya bigla pisngi ko.
“Hindi kita kinidnap, nandito ka sa bahay ko.” Sa bahay nya? Napatigil ako sa pagpipiglas ng mapansin ko ang suot nya.
Hindi naman magsusuot ng apron pang luto ang kidnapper diba? Hindi rin naman mukhang abandonado tong lugar nya. Maganda nga eh. !!! So... hindi nga ako nakidnap? Nandito ako sa bahay nya?
Gush!!! Nakakahiya! Sa hiya ko napafacepalm nalang ako sabay takip ng kumot sa mukha ko. Tsk! Ako pa may ganang magwala dito sa malaki nyang bahay.
“Anong ginagawa mo?” dahek! Hindi ba halatang gusto ko ng magpabaon sa lupa para mawala na ang hiya ko?
“Ehh... kasi.... nakakahiya eh.” Akala ko lang naman eh! Akala ko, may kumidnap sakin, kasi naaalala ko nasa mall ako kagabi at kasama ko sya. Kaya naisip ko tuloy baka sya yung lord ng sindikato.
“H’wag ka ng mahiya Prinsesa.” ‘tong kamay ko na nakafacepalm sa mukha ko, tinanggal nya at hinawakan.
*dugdug. Dugdug*
Anong ginagawa nya?
“You’re safe on me My Princess.” Hala!
“Ano bang ginagawa mo?” pinakita nya sakin yung hawak nyang kutsara at yung mga harina na nasa kamay nya.
“Nagluluto ka?” binigyan nya lang ako ng isang tango.
“Nang ano...?” sa isang click lang nya ng mga daliri nya biglang lumitaw ang isang libro, recipe sya ng mga cake at kung anu-anong mga panghimagas.
“Nag-aaral kang magluto?” tumango nanaman sya sakin.
“Kumain ka na ?” umiling naman sya ngayon.
“May sakit ka ba?” napakunot sya bigla. Sabi na eh, parang may kakaiba sa kanya ngayon. Hinawakan ko noo nya para malaman ko kung nilalagnat ba sya oh ano.
“May sakit ka ba?”
“Wala!” hayss. Sawakas nagsalita din.
“Bakit ba laging napakadami mong tanong? Tara, bumaba na tayo. Magbreakfast ka na.”
Bago sya umalis, napatingin naman ako sa kapwa kamay naming magkahawak kaya agad ko yun tinanggal.
God! Anong sumapi kay gwapo, bakit bumait sya ngayon? At.. at.. bakit parang ang sweet nya?
Paglabas ko ng kwarto, nakakaamaze
tong bahay nya. Sobrang laki at mas marami ang pula na designs. “Hmm.. mahilig
ka sa pula?”
“Yeah! Tara, let’s eat.” Mas
nagulantang ako sa kusina nya ngayon. Huwawow talaga! Parang Fiesta grabe! Ikaw
na gwapo ang hari ng mayayaman.
“May Fiesta ba?” syempre, hindi ko
pinapahalatang gustong gusto ko ng sunggaban tong mga hinain nya. Medyo,
pachusy muna ako.
“Hmm.. nakakahiya naman. Masyadong
marami yan ah. Tapos tayong dalawa lang ang kakain?” napatigil sya sa pagnguya saka
ako tinignan ng nakakalokong tingin.
“Anong akala mo... dalawa lang
tayo?” hhmmm...
“Oo obvious ba?” nakita ko syang
napasmirk at nakakatakot na smirk yun.
“Marami tayo Prinsesa. Alam ko
naman na magtataka ka kung bakit maramihan ang hinanda ko. Kaya, nag-anyaya
narin ako ng ibang mga elemento na galing dito sa mundo nyo.” Napanganga ako
bigla. Tatakbo na ba ako... magtatago na ba ako? Pero hindi na ako makagalaw,
para akong binuhasan ng malamig na tubig.
“ahh... ano..anong s..sabi mo...?”
lintek ka gwapo!!! Panira ka ng umaga ko.
“Ahahahahahaha..... ahahahhahah..
You look so... hahahha... Funny Princess...”
“KKKYYYAAAAA.....” nagtatakbo ako
sa salas nya ng biglang nagliparan yung mga baso at namatay ang ilaw. Kung may
sakit ako sa puso, inatake na ako at kasalanan nya yun.
“Hahaha. Princess, I’m just
kidding. You know... para kang haha aaaawww. Urgh!” bastos ka ha! Pssh, ang
lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot. Ikaw ba naman takutin ng ganun, ewan ko
lang kung hindi ka mapatakbo sa takot.
“Dapat lang sayo ‘yan, gusto mo
putulin ko pa yang payatot mong stick?” napailing-iling nalang sya sakin sa
sakit ng pagbato ko sa kanya ng pigurine nya. Buti nalang nakita ko yung stick
nya na umiilaw, meaning ginagamit nya yun saka ko nalaman na tinatakot lang
pala nya ako.
“Ikaw nalang kumain nyan, nawalan
na ako ng gana!” sa inis ko, tumakbo nalang ako pabalik ng kwarto na ginamit ko
kanina pero, bigla nalang ako napahinto.
“Teka! Teka!! Anong ginagawa mo
sakin gwapo?” naramdaman ko nalang na lumipad ang katawan ko pabalik sa kanya,
at magkalapit kami ngayon ng ilang inches lang. “Sinong gwapo, Prinsesa?” ugh..ahmm
ahhh, nabanggit ko bang gwapo sya? Alam ko, iniisip ko lang yun.
“Ahh.. may sinabi ba ako?” seryoso
kong sagot ng walang kurap-kurap.
“Oo, may sinabi ka mahal kong
Prinsesa!” biglang nawala bigla yung pagkabingi ko ng marinig ko yung sinabi
nya.
“Anong sabi mo? Mahal kong
Prinsesa?” imbis na sagutin ako, mas inilapit pa nya sakin ang mukha nya, halos
2 inches nalang magdidikit na ilong namin.
“Oo, mahal KONG Prinsesa!”
inempasize pa ang KONG nya, alam ko naman mahal nya ako dahil ako ang Prinsesa
nila.
“Tumigil ka nga Lance. Pababain mo
na ako, nahihilo ako eh. Ang taas oh!” sabay itinuro ko ang sahig, ang
taas-taas ko nga. Kahit sya mismo nakalutang narin para pantayan ang mukha ko
ngayon. Anong bang ginagawa nitong kabaliwan?
“Uso ba ang baliw sa inyo?” maiba
kong tanong. Ang awkward kasi eh.
“Baliw? Ito ba yun?” itinuro nya
lang ang dibdib nya gamit ang payatot nyang stick. Ano yun?
“Ito ba yun? Baliw na baliw na
sayo?” naku! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako sa kanya o wala lang eh! Hindi
naman kasi nakakakilig, lalo na kapag inis ka sa kanya.
“Pwede ba Lance? Ibaba mo na ako?”
saka ko sya tinulak habang nasa ere kaming dalawa.
“Your wish is my command.”
“AAAAHHHHHHHHH..... Urgh!! Ang
sakit....” ang sakit ng pwet ko! Ihulog ba naman ako mula sa ere?
“Ang sabi ko, ibaba mo ako hindi ihulog!”
naiinis na talaga ako sa kanya. Naiirita na ako, hindi na ako natutuwa. Ang
hilig nya akong asarin, takutin at saktan. Hindi sa puso, kundi sa physical na.
Naiiyak na ako, hindi ko na kaya.
Nitong mga nakaraang araw,
pinipilit ko nalang tanggapin ang katotohanan na hindi ako normal na tao. Na
hindi ako kabilang sa mga Mortal, isa akong Immortal. Kailangan kong tanggapin
na magugulo na ang nananahimik kong buhay, na may matutuklasan pa akong ibang
mga rebelasyon na kahit mismo sa sarili ko hindi ko alam. Na kahit mismo ang
totoong katauhan ng mga magulang ko, hindi ko rin alam. Marami akong tanong na
hanggang ngayon hindi parin nila nasasagot sakin.
Si Mama Tessie, kung isa akong
hindi normal na tao, ano naman sya? Normal kaya sya? Kung normal si mama, ibig
sabihin hindi nya ako tunay na anak? Kung hindi nya ako anak? Bakit hindi nya
sinabi sakin?
“AAHHHHH!!!! Naiinis na ako,
mababaliw na ata ako nito!”
Hindi na ako makatulog matapos
kong takbuhan kanina si Lance. Naiyak na ako ng tuluyan kanina kaya hinabol nya
ako hangang dito sa kwarto. Panay lang ang hingi nya ng sorry sakin pero hindi
ko pinapansin.
“Princess. Let me talk to you.
Ugh! I’m so sorry My Princess.” At bukod sa pagsosorry nya, bigla akong
naweirduhan sa ginagawa nya ngayon sakin. Kahit dalawang araw palang kaming
nagkakasama, parang nasanay na agad ako sa ugali nyang masungit at dinededma
lang ako.
Pero, ngayon? Para syang lalaking
may gusto sa isang tao na pinipilit pasagutin, at ako yun.
No comments:
Post a Comment